• Home
  • Fresh Scoops
  • 2015 Miss Earth is Philippines' Angelia Ong, makes back-to-back win history

2015 Miss Earth is Philippines' Angelia Ong, makes back-to-back win history

Miss Earth was held for the first time in Vienna, Austria.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/7/2015 6:14 PM
2015 Miss Earth is Philippines' Angelia Ong, makes back-to-back win history


120615-MISSEARTH2_main.jpgGumawa ng record sa history ng Miss Earth Beauty Pageant ang 2015 Philippine representative na si Angelia Ong dahil sa back-to-back na panalo ng Pilipinas sa beauty search na naganap ngayong taon sa Marx Halle sa Vienna, Austria.

85 na mga kandidata mula sa buong mundo ang nakalaban ni Angelia sa ibat ibang competition ng Miss Earth na ngayong taon ay nasa ika 15 years na.

Sa question and answer portion ng Miss Earth, markado ang naging sagot ni Angelia sa tanong kung anong slogan ang ibibigay niya sa pageant 15 years from now. Sumagot si Angelia ng "We will because we can" na pinalakpakan ng audience.

Runners up naman sina Miss Australia Dayana Grageda, Miss Earth Air; Miss USA Brittany Payne, Miss Earth Water; at Miss Brazil Thiessa Sickert, Miss Earth Fire.

Masaya rin ang 2014 Miss Earth winner mula sa Pinas na si Jamie Herrell dahil sa kapwa niya Pinay isinalin ang korona.

Ito rin ang first time na sa isang European country naganap ang Miss Earth na isa sa pinaka malaking Beauty search sa mundo.