• Home
  • Fresh Scoops
  • Vhong Navarro says he and Vice Ganda have agreed to support each other’s MMFF movies

Vhong Navarro says he and Vice Ganda have agreed to support each other’s MMFF movies

Vhong Navarro says it’s not the first he and Vice Ganda each had movies showing at the same time.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/6/2015 5:07 AM
Vhong Navarro says he and Vice Ganda have agreed to support each other’s MMFF movies


120515-VHONG_main.jpgBida si Vhong Navarro sa pelikulang Buy Now Die Later ng Quantum Films na isa sa official entries sa 2015 Metro Manila Film Festival. Sa press conference ng pelikula, naitanong natin kay Vhong kung napapag-usapan na ba nila ni Vice Ganda na magkakatapat sa takilya ang kanilang mga pelikula. Kasama naman ni Vice si Coco Martin sa Beauty and the Bestie.

Ayon kay Vhong, tulungan sila ni Vice dahil hindi na sila iba sa isa’t isa na nagkikita araw-araw sa noontime show na It’s Showtime.

"Kami ni Vice nagkasabay na rin kami before. Ang nakakatuwa sa amin ni Vice, mayroon kaming tulungan. Magkapatid kami at magkasama pa sa trabaho so ang sabi ko suportahan na lang tayo dito sa social media. Ipa-plug namin ang isa’t isa at sa promo mismo ng mga pelikula namin."

Kasama rin ni Vhong sa pelikula si Alex Gonzaga na biro ni Vhong na dapat sisihin kapag di pumatok ang Buy Now Die Later sa box office dahil si Alex ang naging lucky charm ni Vice last year sa pelikulang The Amazing Praybeyt Benjamin Part Two.

"Gusto ko ibigay ang sisi kapag di kami kumita kay Alex Gonzaga kasi last year siya ang naging lucky charm ni Vice kaya kumita ang pelikula nila."

Inangat naman ni Alex ang pagiging bankable star ni Vhong na isa sa nagpasimula ng mga horror comedy movies noon pa man.

"Lahat kami dito tulong tulong kami at ang genre namin horror-comedy so sino ba ang nagpa simula ng lahat ng yan si Vhong Navarro kaya bongga ang pelikula namin" pagtatapos ni Alex.