• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Bela Padilla says she doesn’t celebrate Christmas

EXCLUSIVE: Bela Padilla says she doesn’t celebrate Christmas

Bela Padilla says she wants to work with her cousin Daniel Padilla.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/6/2015 5:08 AM
EXCLUSIVE: Bela Padilla says she doesn’t celebrate Christmas


120515-BELLA_main.jpgTuwang-tuwa si Bela Padilla nang sabihin namin sa kanya na isa si Arjo Atayde sa mga nagagalingan sa kanya pagdating sa pag-arte sa Ang Probinsyano series ng ABS-CBN.

“Wow, thank you naman Arjo Atayde,” bungad ni Bella sa Push.com.ph.

“Siyempre hindi sila nag-expect sa akin kasi hindi pa nila ako nakakatrabaho and gusto ko rin naman silang gulatin. Kaya yon, hindi kasi ako masyadong pakitang gilas, eh.

“Natutuwa ako na ganu’n pala ang reaksyon ni Arjo and happy ako kasi sila yung mga kaeksena ko and ang gagaling din kasi talaga nila, madadala ka din talaga,” pagde-describe pa ni Bela sa mga katrabaho niya.

Bukod kina Coco Martin at sa iba pang cast ng Ang Probinsyano, umaasa din si Bela na makatrabaho sa bakuran ng ABS-CBN ang pinsang si Daniel Padilla.

“Wala pa nga, eh. Wala pang chance kasi on going pa rin yung PSY (Pangako Sa ‘Yo) niya, eh. Tapos dire-diretso din yung sa amin sa Ang Probinsyano. Sana sa next show, magkatrabaho kami.

“Ang ganda rin ng nangyayari sa Pangako Sa ‘Yo ngayon. Fan na fan ako. Hehehe! Ang ganda rin ng mga eksena ni Daniel ngayon, tapos nagkita na sila ni Yna,” kinikilig pang kuwento ni Bela.

Ilang araw na lang ay Pasko na kaya tinanong na rin naming si Bela kung paano niya balak i-celebrate ang Christmas.

“Hindi kasi ako nagsi-celebrate (ng Pasko). Jehovah’s Witness ako. At saka, ang alam ko may taping din kami ng December 26, so parang wala rin kaming break masyado,” sagot niya.

Eh, how about New Year?

“Hindi rin namin yon sini-celebrate, pero siyempre, meron akong sarili kong resolution or whatever. Meron kang gustong mangyari for the next year.

“Ang New Year’s resolution ko siguro o yung gusto kong baguhin ay yung huwag masyadong maging paranoid. Siguro kasi, dahil kakalipat ko lang (ng network) kaya lahat iniisip ko masyado.

“Parang lahat masyado kong winu-worry. Siguro dapat to be less worried about life ang gusto kong mangyari next year. Yung parang enjoy lang.

“Sobra ko kasing workaholic, eh. Parang feeling ko pag may konting mali sa work ko, ‘Oh my God!’ Hindi ko na yon itutulog ng isang linggo,” pahayag ni Bela.

Samantala, si Bela ang leading lady ni Jacky Woo sa pelikulang Tomodachi na istorya ng isang Hapon at Pinay na na-in love sa isa’t isa nu’ng panahon ng giyera. Hand-picked daw siya ni Direk Joel Lamangan for the role.

“Nakatrabaho ko na si Direk sa Felix Manalo and I’m very thankful na dito sa Tomodachi, kinuha ulit niya ako,” sey pa niya.

May kissing scene si Bella kay Jacky at hindi raw naman ito naging isyu sa kanyang boyfriend.

“Wala naman siyang mga bawal-bawal o restrictions sa ganung bagay. Alam niya kasi ang trabaho ko,” katwiran pa ng aktres.