Diego Loyzaga reveals his plans for the holidays

Diego Loyzaga definitely wants to spend the holiday season with his family.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/6/2015 6:07 AM
Diego Loyzaga reveals his plans for the holidays


120615-DIEGO.jpgMainit ang naging pagsalubong ng fans kay Diego Loyzaga sa nakaraang fans and thanks giving day ng Pangako sa ‘Yo kahit na noong una ay nagselos ang KathNiel fans sa character niya sa serye. Ngayon daw ay okay na ang lahat at nage enjoy na siya sa kanyang papel bilang BFF ni Yna Macaspac na character ni Kathryn Bernardo sa PSY.

Pinaghahandaan na rin ni Diego ang paparating na holiday season at sa labas ng bansa siya magpapasko at bakasyon.

"Wala pa po final. Basta kasama ko si mommy and malaki ang chance na umuwi kami ng Australia kasi nandoon siya ng pasko kaya sasamahan ko siya doon."

Priority daw niya na makasama ang kanyang mommy at pamilya sa pasko dahil naging busy nga naman siya sa mga teleserye na kasali siya ngayong 2015 gaya ng Forevermore at ngayon ang PSY.

"This year kasi madalas na siya ang bumibisita sa akin so ngayon holiday season ako naman ang dadalaw sa kanya iti-treat ko na rin siya."

Treat na daw ni Diego sa sarili niya ang makapag pahinga kasama ang kanyang pamilya.

"Thank you kay God kasi kung wala siya wala lahat ito para sa akin ang treat ko sa sarili ko makasama ng buo ang family at maging safe kami lahat," pagtatapos ni Diego.