Vhong Navarro fears for his life, still has body guards

Vhong said he can't share details of his case against Cedric Lee and Deniece Cornejo.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/5/2015 5:08 AM
Vhong Navarro fears for his life, still has body guards


120415-vhong_main.jpgHanggang ngayon pala ay meron pa ring dalawang bodyguard si Vhong Navarro kahit pa nasa korte na ang kontrobersyal na kasong  isinampa niya noon laban kay Cedric Lee at sa mga kasama nito.

Kailangan pa rin daw niyang ingatan ang kanyang sarili dahil hindi pa rin maiiwasan ang panganib sa kanyang buhay. In fact, during the presscon of Buy Now, Die Later, MMFF entry ng Quantum Films, kasama ni Vhong ang mga body guards.

“Ang tao ngayon pag pinapatay parang ipis na lang. Mahirap, eh,” pahayag ni Vhong sa Push.com.ph .

Aminado ang aktor na hanggang ngayon ay hindi pa rin daw nawawala ang nararamdaman niyang takot.  

“Hindi naman nawawala yung takot. Pero kasi, ang paniniwala ko sa Panginoon, binibigay ko na sa kanya lahat, eh. Kung kailangan na ba akong kunin, eh, wala tayong magagawa, hindi natin mapipigilan yon. Basta ang pananampalataya ko nasa Kanya.

“Yung proteksyon na hinihingi ko, nasa Kanya rin. Kasi kahit anong dami ng body guard mo, kahit 30 pa yan, eh, kung talagang kukunin ka na, wala kang magagawa,” sabi pa niya.

Nagbigay din ng reaksyon si Vhong sa balitang gusto na raw  makipag-ayos ng kampo ni Cedric.

“Alam mo,ang sarap sanang magsalita. Ang sarap magsabi ng kung ano yung mga nararamdaman ko. Ang hirap lang kasi may gag order tayo.

“Kumbaga, yon ay mga hindi pupuwedeng masabi kasi baka maapektuhan naman kami... Tuloy pa rin naman yung kaso.

“Hindi po ako makikipag-ayos. May mga nakarating po sa amin, pero...” buntong-hininga niya.

Nagpatawad na ba siya?

“Sa ngayon kasi, ang hirap po kasing magpatawad sa tipong ikaw pa yung binabaligtad,” diretso niyang pahayag.

“Ngayon, paano mo patatawarin ang isang tao kung ikaw yung binabaligtad, na ikaw yung masama, eh, paano po yon? Kaya mo naman silang patawarin, eh, pero paano mo patatawarin kung ikaw pa yung pinalalabas na masama?

“At saka, hindi naman humihingi ng tawad, so paano mo patatawarin. Kasi, kaya namang magpatawad ng tao. Tao din lang naman po ako, pero paano ka magpapatawad kung ikaw yung palalabasing masama,” paninindigan pa niya.

Samantala, aware si Vhong na malalaking pelikula ang babanggain nila sa Dec. 25 at kasama na rito ang pelikula ni Vice Ganda na kasamahan niya sa It’s Showtime – ang Beauty And The Bestie.

“Hindi naman kami nag-aambisyong maging top grosser. Okey na sa amin na kumita kami. Kung kikita kami ng P100 million, masayang-masaya na kami,” wish pa niya.

Kasama ni Vhong sa Buy Now, Die Later sina Alex Gonzaga, Rayver Cruz, TJ Trinidad, Lotlot de Leon, John Lapus at Janine Gutierrez. Sa direksyon ito ni Randolph Longias at produced ng Quantum Films.