• Home
  • Fresh Scoops
  • Stella Araneta: ‘I’m Colombian but I would choose Philippines’

Stella Araneta: ‘I’m Colombian but I would choose Philippines’

Stella Araneta shares why she wants Philippines to win the Miss Universe crown over her home country Colombia.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/31/2015 10:24 AM
Stella Araneta: ‘I’m Colombian but I would choose Philippines’


123115-StellaAraneta_PUSH.jpgSa ulat ni Mario Dumaual para sa TV Patrol, nagpahayag ng saloobin ang matriarch ng Binibining Pilipinas na si Stella Marquez Zawadski-Araneta sa pagkapanalo ng kanyang mentee na si Pia Alonzo Wurtzbach bilang Ms. Universe 2015. 

Aniya, sulit ang hirap nila ni Pia at ng mga Pinoy na nagtaguyod ng bagong Ms. Universe. “Congratulations to all the Filipino people not only here in the Philippines but around the world. It has taken so many years but we are lucky that we had a candidate this year that was ready to win.” 

Diumano, hindi nagive-up si Stella kay Pia na ilang beses sumali ng Bb. Pilipinas. “She was learning constantly what to do and perfect her way of presenting herself. I notice her she would be observing the other winners… Up to the last minute she was taking classes and she did it fantastic.”

Natatangi ang papel na ginampanan ni Stella sa kasaysayan ng Pinoy beauty pageant. Si Stella ay isang Colombian at tinanghal siya bilang kauna-unahang Ms. International noong 1960. Pagkatapos ng Pageant of World Queens ng Manila Chronicle at Araneta Coliseum noong 1961, Pilipinas na ang naging tahanan ni Stella dahil na rin siya ay napa-ibig ng negosyanteng si George Araneta.

Noong 1964, tinalaga naman siya ng kanyang biyenang tycoon na si Jay Amado Araneta na pamahalaan ang Bb. Pilipinas Charities. Ayon kay Stella kung bakit niya tinanggap ang katungkulan, “I’ve been in the beauty business for a long time. I mean I went to Ms. Universe also, I know the contest and all of that, so it was natural for me to accept the job, no payment, up to now.”

Hindi na rin daw issue ang pagmamahal at katapatan ni Stella sa Pilipinas. “I’ve been running Binibining (Pilipinas) for so many years, so don't you think my heart should be here in that respect? I’ve poured my heart and soul in this, they will ask me what would you choose and I’ll say I’m Colombian but I would choose Philippines. No, that’s the way it is, I am in Binibining (Pilipinas) and I run it and she’s a product of my contest why would I go for Colombia?” 

Sang-ayon si Stella na dapat engrande ang homecoming ni Pia sa 2016 at umaasa siyang maraming tutulong sa kanya. “Ms. Universe after 42 years, of course. I hope all my sponsors will help me. ABS-CBN is my partner.”  
Mensahe rin ni Stella para kay Pia, “Enjoy it. It’s hard to follow orders for a whole year.”

Photo credit to inquirer.net