Patricia Javier and husband renew wedding vows

Patricia Javier and husband Rob Walcher renew wedding vows for their 10th anniversary.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/30/2015 10:11 AM
Patricia Javier and husband renew wedding vows


123015-patricia_main.jpgIsang simple at intimate na seremonyas ang naganap para sa renewal of vows ng Doble Kara cast member na si Patricia Javier at ng kanyang chiropractor na asawa na si Rob Walcher. Sa Azure Resort residences naganap ang isang Christian wedding na dinaluhan lang ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan. Naka-puting wedding dress pa rin si Patricia ng magpakita sa kanilang venue at naka-tuxedo naman si Rob.

Para maiba, imbis na romantic wedding songs ang scoring sa wedding march, mga dance music na may masasayang mensahe ang tugtog at nagsasayaw ang bride and groom papunta sa altar.

Sa kanilang renewal ng wedding vows, nagbigay ng personal na mensahe sina Patricia at Rob sa isa’t isa. Kapwa sila naiyak at sinabi na hindi nila akalain na sila ang magkakatuluyan, tatagal ng isang dekada, at bibigyan ng dalawang anak. Kuwento pa ni Patricia, bihira silang mag away ni Rob.

"Once a year lang kami mag away kasi hirap ako mag English! (Laughs) Pero mas minahal ko siya kasi iniwan nya lahat sa Amerika para dito na tumira sa atin kasama ako at ang family namin."

Wala na daw plano mag baby muli ang dalawa. Magko-concentrate na lang daw sila sa kanilang wellness business at pagpapalaki ng kanilang dalawang anak na mukhang papasukin na rin ang showbiz.

1-Patricia-Javier.jpg

2-Patricia-Javier.jpg

3-Patricia-Javier.jpg

4-Patricia-Javier.jpg

5-Patricia-Javier.jpg