Kapamilya Celebs reveal their 2016 plans

Kapamilya celebrities talk about their wishes for the coming year.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/31/2015 1:51 AM
Kapamilya Celebs reveal their 2016 plans


123015-celebs_main.jpg

Bago matapos ang 2015, ilan sa paborito nating Kapamilya stars ang nagbigay ng kanilang plano at wish para sa papasok na Bagong Taon.

123015-celebs2_main.jpg

Si Ian Veneracion, na naging matagumpay ngayong 2015 sa teleseryeng Pangako Sa ‘Yo, ay may planong bumawi ng quality time sa kanyang pamilya.

"Hindi ko alam kung ano ang nakalinya pero kung ako lang, I prefer na magkaroon ng konting break para kung magkaroon ng susunod na trabaho eh di thank you. Pero syempre I prefer a break after this long teleserye."

123015-celebs1_main.jpg

Si Pokwang naman, bukod sa maraming trabaho ang hiling, pabiro na nagparinig ng kasalan sa foreigner boyfriend na si Lee O’Brian

"Mas maraming projects! At sana ano na! (Laughs)” May aasahan na ba kami na kasalan? “Sana nga! (Laughs) pray pray pray!" ang sagot ni Pokie.

123015-celebs4_main.jpg

Naging masaya at ma-intriga ang love life ni Vina Morales sa 2015, kaya sa papasok na taon, kapayapaan ang kanyang wish. Umiwas naman si Vina sa mga usapin ng kasalan.

"To have peace! More peace! (Laughs) Kasi meron na naman we are always on the peace side ayaw namin ng may kaaway na tao.” May kasalan na ba next year? “Oh my god! Please ‘wag nyo muna ako tanungin diyan!”

123015-celebs3_main.jpg

Si Alex Gonzaga, secret daw muna ang mga plano nga sa 2016. Wish niya lang daw na sana matupad lahat ang mga ito.

"Ano ba nilu-look forward ko? Gusto ko kung ano ang mga ginagawa ko ngayon, mga pini-prepare ko for 2016, sana maging matagumpay and sana magawa ko talaga ng maayos."

123015-celebs5_main.jpg

Mahirap na mga roles ang type na magkaroon ni Gerald Anderson sa 2016. Dito nya daw mapapatunayan ang kanyangkakayanan bilang aktor.

"Maraming roles na ma cha-challenge ako the more roles na mas mahirap. the better. That’s how I’ll grow and I will become better as an actor," sabi ni Gerald.