• Home
  • Fresh Scoops
  • Robin Padilla is hopeful that Mariel Rodriguez’s condition will be cured

Robin Padilla is hopeful that Mariel Rodriguez’s condition will be cured

Robin Padilla also reveals he and Mariel Rodriguez will undergo a series of tests.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

12/3/2015 1:42 PM
Robin Padilla is hopeful that Mariel Rodriguez’s condition will be cured


120315-robin_main.jpgSa ulat ni ABS-CBN News reporter Mario Dumaual para sa Bandila, sinabi ng action star na si Robin Padilla na umaasa siyang magkakalunas ang kondisyon ng asawa niyang si Mariel Rodriguez, na nakunan na ng dalawang beses nitong taon.

“Na shock lang ako kasi tatlo ‘yun eh, parang nabuo na ‘yung mga pangarap, nabuo na ‘yung mga plano. One year wala muna (pagbubuntis), hindi maintindihan eh pag dumadating dun sa linggo na ‘yun ika-8 o 9, namamatay ‘yung bata,” paliwanag ni Robin.

Ayon pa kay Robin, sasailalim silang mag-asawa sa ilang series of tests para masolusyunan ang mahirap na pagbubuntis ni Mariel.

“May nakikita silang problema, ako din pag-aaralan eh. Nakakatuwa nga eh sabi ko ang dami ko ng anak pag-aaralan niyo pa ako,” pagbibiro ng aktor.

Samantala, masaya naman si Robin sa muling pagpapalabas ng kanyang pelikula na “Bonifacio: Ang Unang Pangulo” noong Bonifacio Day, November 30.

“Huwag po nating kalimutan kung wala si Andres Bonifacio, walang Pilipinas.”