• Home
  • Fresh Scoops
  • Epy Quizon reveals talks with Nino Muhlach on remaking ‘Ang Tatay Kong Nanay’

Epy Quizon reveals talks with Nino Muhlach on remaking ‘Ang Tatay Kong Nanay’

Epy Quizon plans on making a new version of Dolphy’s ‘Ang Tatay Kong Nanay.’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/3/2015 9:01 AM
Epy Quizon reveals talks with Nino Muhlach on remaking ‘Ang Tatay Kong Nanay’


120315-epi_main.jpgSa media launch ng GSK na nagbibigay awareness sa COPD, ibinahagi ni Epy Quizon na nag-uusap na sila ngayon ni Nino Muhlach para sa posibleng paggawa ng baging version ng classic Dolphy movie na Ang Tatay Kong Nanay. Una itong ipinalabas noong 1978 sa direksyon ng National Artist na si Lino Brocka at screenplay ng award winning writer na si Orlando Nadres.

"Nagkakausap na kami ni Nino tungkol sa plans na gumawa ng bagong version nito. Ayaw namin sabihin na remake dahil napakaganda ng original at mahirap na gawin ulit ang ganun kalidad na pelikula kaya new version ang gagawin namin."

Dalawang 1979 Best Actor nominations sa ilalim ng Famas at Urian ang nakuha ni Mang Dolphy sa kanyang pagganap bilang si Dioscorro "Coring" Derecho na isang homosexual na ginawa ang lahat para maalagaan ang paslit na si Nonoy na ginampanan noon ng child wonder na si Nino Muhlach.

Ngayon, kung matutuloy ang project, si Epy ang gaganap na "tatay" at ang anak ni Nino na si Alonzo Muhlach ang gaganap na anak.

"Ang working title nito is Ang Daddy Kong Mommy at sana matuloy dahil maganda ang project at bagay na bagay kay Alonzo."

Bukod dito, papasok na rin si Epy bilang isa sa lead cast ng stage musical na Bituing Walang Ningning sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World bilang kapalit ni Jon Santos sa papel na "Auntie."

"Nakaka-pressure ang role na yan kasi nasimulan na ni Jon na ganun kataas at siyempre mage-expect ang lahat na mapantayan ko man lang yun kaya dapat paghandaan ko talaga" pagtatapos ni Epy.