• Home
  • Fresh Scoops
  • Pia Wurtzbach’s mentor on her Miss Universe gown: ‘Yung sinuot ni Pia pinaglaban yun’

Pia Wurtzbach’s mentor on her Miss Universe gown: ‘Yung sinuot ni Pia pinaglaban yun’

Pia Wurtzbach’s followers hit one million on Instagram.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/30/2015 12:14 AM
Pia Wurtzbach’s mentor on her Miss Universe gown: ‘Yung sinuot ni Pia pinaglaban yun’


122915-pia_main.jpgSa ulat ni Don Tagala para sa TV Patrol, nagpasalamat si Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach sa pagpalo ng 1 million followers ng kanyang Instagram account. “I can’t believe we hit 1 million followers on Instagram! You are all amazing. Thank You,” sabi nito.  

Enero pa pormal na ihaharap si Pia sa media pagkatapos ng untraditional coronation night sa Las Vegas. Kaya naman, panay ang buntot kay Pia ng New York paparazzi. Nakunan si Pia na nagja-jogging sa Columbus Square at Times Square sa New York. Nakipag-bond rin si Pia sa kanyang mentor at beauty queen maker na si Jonas Gaffud.

Kwento ni Jonas tungkol sa lagay ng kanyang alaga, “Masaya naman daw siya, she’s alone now kasi nasa holiday lahat ng kasama niya, si Miss USA….” 

Tanggap na rin ni Jonas ang hindi pagrampa ni Pia bilang Miss Universe sa gabi ng koronasyon. “Nawala talaga sa atin yung moment na yun e, pero wag na natin balikan, okay na yun, nasa atin na. Happy ako noong first night ko dito sa New York, nung kasama ko si Pia tapos nagpunta kami ng Times Square. Ang daming nagpapapicture.” 

Bukod sa kakaibang aura, stage presence at husay sa Q&A portion ni Pia, malaking puntos din diumano ang gown ni Pia. May rebelasyon pa si Jonas tungkol dito, “yung sinuot ni Pia pinaglaban yun. Okay naman din yung gown ni Stella (Araneta) but Pia wanted a different gown. Malaking factor na nakapasok siya dahil sa gown.” 

Nahasa at nakadagdag din sa confidence level ni Pia ang tatlong beses na pagsali sa Binibining Pilipinas. Ayon sa New York beauty pageant expert na si Felix Manuel, “Hinog na hinog na, I mean nakinig siya sa mentors niya and pinag-aralan niya rin yung mga kalaban niya.”