Andrea del Rosario ‘reunites’ with ex-boyfriend

Andrea del Rosario talks about the possibility of getting back with her ex-boyfriend.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/30/2015 12:12 AM
Andrea del Rosario ‘reunites’ with ex-boyfriend


122915-andrea_main.jpgMasaya ang naging selebrasyon ng Pasko ni Andrea del Rosario dahil bukod sa pinakamamahal niyang anak, nagkita na rin ulit sila ng isang tao na dati ring naging malapit sa puso niya.

Ito ay si Renan Morales na isang sikat sports enthusiast at car racer. Naging ex-boyfriend ni Andrea si Renan pero almost 13 years silang hindi nagkita after ng kanilang breakup.

“I’m happy to see him again. Ganu’n talaga siguro ang buhay, magkikita-kita pa rin kayo kapag yon ang destiny ninyo,” masayang kuwento ni Andrea sa Push.com.ph.

Pero ang kanilang pagkikita ay hindi raw kaagad mangangahulugan na magkakaroon ulit sila ng relasyon.

“Marami nang nagbago sa amin, sa pananaw namin sa buhay, sa priorities namin at ngayon, hindi ko pa masasabi na don (relationship) ang punta ng lahat.  But the good thing is, we are reunited and we share the same interest,” sey pa niya.

Ang tinutukoy ni Andrea na interest ay ang politics. Pareho kasi silang tatakbo para sa public office sa May 2016 elections. Andrea is running for vice mayor ng Calatagan, Batangas at si Renan naman ay tatakbong konsehal sa lugar nila sa Nueva Ecija.

“Don muna siguro ang focus ko, naming dalawa kasi kakakita lang naman namin, eh. Pag-uusapan muna naming mabuti ang tungkol sa... alam mo na,” katwiran pa niya.

Sa halos 13 years na hindi pagkikita ni Andrea at Renan ay nagkaroon na ng apat na anak ang dating sikat na racer. Pero tanggap naman daw ito ng aktres.

“Ako nga may anak na rin (Bea). Wala namang problema kung may mga anak na rin siya. Hindi naman isyu yon, hindi na rin naman kami mga bata. Puwede namang package deal,” biro pa ni Andrea.

Tinanong namin si Andrea kung hindi ba siya nahirapang maging kaibigan ang ex-BF niya. Ayon sa kanya, “sa akin kasi, past is past. Dapat matuto tayong mag-move-on kung anuman ang nangyari in the past.”

“Mas masarap yung wala kang iniiwasan. Ang pangit kaya ng feeling na meron kang tinatago, di ba?”

Idinagdag din ni Andrea na maging si Renan ay ganu’n din ang prinsipyo sa buhay. Friends din daw nito ang mga ex-GFs niya.

“Lalo na yon, kasi may mga anak siya do’n, di ba? Alangan namang mag-iwasan sila? Kaya okey lang yon, let’s all be friends,” natatawa niyang pahayag.