• Home
  • Fresh Scoops
  • MMFF Chairman on "Honor Thy Father" disqualification: 'Walang personalan, walang pulitika po ito'

MMFF Chairman on "Honor Thy Father" disqualification: 'Walang personalan, walang pulitika po ito'

The "Honor Thy Father" cast air their disappointment over MMFF decision.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/28/2015 1:58 AM
MMFF Chairman on


122815-mmff_PUSH.jpgNaka t-shirt na itim na parang nagluluksa ang staff at stars ng Metro Manila Film Fest movie na Honor Thy Father nang nag-attend sila ng Gabi Ng Parangal.

Tinanggal kasi ang pelikula sa listahan ng mga nominado para sa Best Picture dahil nauna na daw ito naipalabas sa isa pang film festival na bawal sa rules ng MMFF.

Una ng nagpahayag ng kanyang damdamin ang MMFF Best Supporting Actor na si Tirso Cruz III. 

"Nakakalungkot siyempre na hindi siya nag-qualify, like I dont see any reason bakit hindi siya dapat mag-qualify talaga as far as the movie is concerned, but the committee may have their own reasons," sabi ng aktor. 

Emotional naman si Meryll Soriano nang magpahayag ng kanyang damdamin sa media. Naniniwala kasi siya na maganda ang pelikula nila at mali ang naging desisyon ng festival committee dito.

"Lahat kami, lahat ng kasali na kalahok sa MMFF, lahat kami nagtrabaho ng mabuti we are honored to be here but also were very dismayed by the situation," bulalas ng aktres. 

Dahil sa nangyari, magpafile ng reklamo ang kanilang grupo sa kongreso at alamin kung bakit agad na inalis ang kanilang pelikula sa nominees ng Best Picture.

“Yeah, tomorrow we will be filing an investigation on well, I think the decision of the Metro Manila Film Festival disqualifying the Honor Thy Father’s Best Film category, so we just wanted to find out why it happened. Everybody’s expecting that this movie will be kumbaga pambato ‘di ba, napakaganda ng pelikula but unfortunately we were not included in the Best Film category. So ‘yun ang magiging tema ng ating investigation sa Congress,” sabi ni Dan Fernando, isa sa mga bida ng pelikula at isa ring congressman mula sa Laguna.

Sa ating interview kay 2015 MMFF Chairman na si Emerson Carlos, wala silang nilalabag at sumunod lang sila sa rules ng festival. 

"Walang personalan, walang pulitika po ito, we just upheld the rule of law," paliwanag nito. 

Sinuportahan din ni former MMFF Chairman Francis Tolentino ang desisyon na ito.

"Kasama sa showbiz siguro ang ganun pero na explain naman nila ang rules 'di ba? So I hope producers of Honor Thy Father would be willing to accept the decision of the board of jurors."

Ngayong araw inaasahan na magsasampa ng reklamo ang grupo ng Honor Thy Father. Umaasa naman ang lahat na sana ay maayos na ang gusot na ito para sa mas maayos at masiglang MMFF.