• Home
  • Fresh Scoops
  • Jennylyn Mercado, Jericho Rosales and Walang Forever are big winners in 2015 MMFF Awards Night

Jennylyn Mercado, Jericho Rosales and Walang Forever are big winners in 2015 MMFF Awards Night

Jennylyn Mercado has won Best Actress for two consecutive years.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/28/2015 2:26 AM
Jennylyn Mercado, Jericho Rosales and Walang Forever are big winners in 2015 MMFF Awards Night


122815-jenjericho_PUSH.jpgSina Jennylyn Mercado, Jericho Rosales at ang kanilang pelikulang Walang Forever ang big winners sa katatapos lang na Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival. Naunahan na ng tensyon ng usapin ng pagkakatanggal ng pelikulang Honor Thy Father sa Best Picture nominees ng taon kayat dumating ng naka itim na tshirt na may title ng pelikula ang lahat ng staff nito.

Hindi naman nakarating si direk Erik Matti para kunin ang Best Director award para sa Honor Thy Father sa halip ay binasa ng isa sa kanilang staff ang text message ni Direk Matti na ramdam ang sama ng loob sa festival commitee.


Hindi rin nakarating si Jericho Rosales para sa Best Actor award niya at si Jennylyn ang umakyat sa stage para magpasalamat sa parangal.

Muling itinanghal na Best Actress si Jennylyn sa dalawang magkasunod na taon. Last year, siya rin ang nakatanggap ng award para sa English Only Please.

Nagkaroon ng gusot ang taping ng awards ng maling envelope ang mabasa ng presentor na si Janine Gutierrez. Gatpuno Villegas Special Award ang kanyang nabasa sa halip na third place Best Picture na pareho rin naman napunta sa pelikulang My Bebe Love.

Kulang sa big stars ang awards night. Wala sina Vic Sotto, Ai-Ai delas Alas, ang AlDub tandem nina Maine Mendoza at Alden Richards; pati na rin sina Vice Ganda at Coco Martin para bigyan ng ningning ang seremonyas.

Here are the complete list of winners:
Major Awards:
Best Child Performer: Krystal Brimmer (Honor Thy Father)
Best Festival Sound: Ditoy Aguila (Nilalang)
Best Festival Musical Score: Jessie Lazaten (Nilalang)
Best Festival Original Theme Song: "Tao" (Honor Thy Father)
Best Festival Make Up Artist: Ryan Panaligan and Ericka Racela (Honor Thy Father)
Best Festival Visual Effects: Nilalang
Best Festival Production Design:  Buy Now, Die Later
Best Festival Editing: Nilalang
Best Festival Cinematography: Nilalang
Best Original Story: Dan Villegas and Antoinette Jadaone (Walang Forever)
Best Screenplay: Paul Santa Ana (Walang Forever)
Best Director: Erik Matti (Honor Thy Father)
Best Supporting Actor: Tirso Cruz III (Honor Thy Father)
Best Supporting Actress: Maine Mendoza (My Bebe Love)
Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award: My Bebe Love
3rd Best Picture: My Bebe Love
2nd Best Picture: Buy Now, Die Later
Best Picture: Walang Forever
Best Actor: Jericho Rosales (Walang Forever)
Best Actress: Jennylyn Mercado (Walang Forever)

Special Awards: 
Best Float - Buy Now, Die Later
FPJ Memorial Award for Excellence: Walang Forever
Male Celebrity of the Night: Cesar Montano
Female Celebrity of the Night: Jennylyn Mercado

New Wave Entries
Full Feature Category:
Best Supporting Actor: Thou Reyes (Toto)
Best Supporting Actress: Bibeth Orteza (Toto)
Best Actors: JM De Guzman (Tandem) and Francisco Quinto (Ari: My Life with a King)
Best Screenplay: Ari: My Life with a King
Best Director: John Paul Su (Toto)
Special Jury Priza: Toto
Best Picture: Ari: My Life with a King
Manila Bulletin Entertainment Best Full Feature Film: Ari: My Life with a King

Animation Category:
New Wave Animation Special Jury Prize: Little Lights (Rivelle Mallari)
New Wave Best Animation Picture: Buttons (Marvel Obemio, Francis Ramirez & Jared Garcia)
Manila Bulletin Entertainment Best Animation Film Award: Momento

Student Short Film Category:
Special Jury Prize: Daisy (Brian Reyes)
Best Short Picture: Mumu (Jean Cheryl Tagyamon)