Kris Aquino compares Derek Ramsay to James Yap

Kris Aquino compares Derek Ramsay’s dedication as a father to James Yap’s own relationship with son Bimby.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/27/2015 6:08 AM
Kris Aquino compares Derek Ramsay to James Yap


122715-KRISAQUINO.jpgHinahangaan ni Kris Aquino ang pagiging responsible at mabuting ama ng leading man niyang si Derek Ramsay sa pelikulang All You Need Is Pag-ibig na entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival.

Dapat daw sana ay may taping sila ng aktor para sa morning show niyang Kris TV na gagawin mismo sa bahay niya, pero hindi ito natuloy dahil nakiusap si Derek na kailangan niyang pumunta ng airport para sunduin ang kanyang anak.

Hindi naiwasang maikumpara ni Kris si Derek kay James dahil napag-usapan ang tungkol sa parenting at ang first communion ni Bimby na akala ni Kris ay ‘di sisiputin ng kanyang ex-husband.

“Pag nakikita mo yung ganu’n, mapi-feel mo di ba? At yon, di ba, nag-DNA pa and everything pero may ginagawa.

“Tapos babalikan ko yung nakaraan, ha. Yung naka-short-lived relationship ko na pinrioritize ang mga anak, posible yon, eh. So parang ang feeling ko, bakit sa anak ko hindi yon ginagawa ng tatay niya?” nagtataka niyang pahayag.

Ang alam daw niya kasi sa isang tatay ay kayang gawin ang lahat para sa anak nito.

“I can only go so much. Kasi, alangan namang kaladkarin ko pa or ako pa ang mamilit ;di ba? Kung hindi naman magkukusa, tantanan na rin ako.

“Huwag n’yong palabasin na ako na ako yung bad kung ikaw mismo wala ka namang ginagawa. It takes two,” katwiran pa niya.

Sa tanong kay Kris kung baka hindi niya naman binibigyan ng time si James na makasama ang father niya, sabi niya, “He doesn’t have to ask for time. Pumunta ka lang sa school. There’s no rule that says na huwag kang magsundo. Never.

“Walang humaharang sa yo, sa dadaanan mo. Mag-drive thru kayo.

“Eto lang ha, kung yung yaya nga ni Bimby na bagong kasal, kinut short ang honeymoon dahil alam na alam na ganu’n ka-heartbroken si Bimby, na buong mundo alam kung gaano ang iniyakan ni Bimb, lahat ng Filipinos naki-cry sa amin, he never even called to check on the kid,” pahayag pa niya.

Inamin din ni Kris na hindi talaga maiwasang mairita siya sa nangyayari.

“Minsan, naiirita talaga ako na palalabasin nila na ako ang may problema. Hindi po ako yon. Kasi parang ginagampanan ko lahat at hindi ko hinaharangan. Ang problema lang siguro is hindi ko naman kayang pilitin,” katwiran pa niya.

Na-appreciate naman ni Kris ang effort na ipinapakita ng girlfriend ni James sa anak niya.

“I’ve liked her from the start because, number one, she made the effort  na magluto ng carbonarang gusto (ni Bimby). Second, nag-research siya ng masarap na pizza.

“Third, every time na nagkikita sila, meron siyang mga dala not just for Bimby but also for Kuya Josh, di ba? Hello! Mas bongga pa nga siya, sa totoo lang, di ba?” pahayag pa ni Kris.