• Home
  • Fresh Scoops
  • Cesar Montano, Jericho Rosales, John Lloyd Cruz react on possible MMFF Best Actor win

Cesar Montano, Jericho Rosales, John Lloyd Cruz react on possible MMFF Best Actor win

Cesar Montano, Jericho Rosales, John Lloyd Cruz speak up about the MMFF Best Actor race.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/27/2015 6:10 AM
Cesar Montano, Jericho Rosales, John Lloyd Cruz react on possible MMFF Best Actor win


122715-BESTACTOR.jpgMagaganap na sa December 27 ang Gabi ng Parangal ng 2015 Metro Manila Film Festival at isa sa mainit na category na mahigpit ang labanan ay ang Best Actor category. Sa walong pelikulang palabas ngayon, tatlong aktor ang lutang na mahusay sa kanilang naging pagganap sa kanilang mga pelikula. Ito ay sina Cesar Montano para sa Nilalang; John Lloyd Cruz para sa Honor Thy Father at Jericho Rosales para sa Walang Forever.

Unang nagbigay ng kanyang reaksyon si John Lloyd sa Best Actor nomination niya para sa Honor Thy Father na noong una ay nawala sa official list ng entries at muli ay napasali sa listahan.

"Hindi ko alam malalaman natin yan kung papalarin or kung yan ang mangyayari tingnan natin kasi mahirap umasa mahirap mag expect kung mangyayari maraming maraming salamat kung hindi naman, hindi naman yan ang essence ng MMFF season, gusto lang namin ibalik ang essence ng sining sa pelikula at sa mga tumatangkilik nito."

Ngunit biglang naglabas ng desisyon ang MMFF noong December 26 na disqualified ang Honor Thy Father bilang Best Picture nominee. Ito ay dahil hindi daw sinabi ng mga producers na naging opening film ang Honor Thy Father ng Cinema One Originals noong November, isang bagay na itinatanggi ng mga taong sa likod ng pelikula. Sa ngayon ay ‘di pa din malinaw kung tinaggal si Lloydie bilang Best Actor nominee.

Si Cesar Montano naman na nagbabalik sa MMFF, ang muling makasali lang daw dito ay sapat na sa kanya. Napatunayan na nga naman ni Cesar ang kanyang husay bilang aktor sa Jose Rizal movie noon.

"Naku hindi ko muna iniisip yan at ayoko mag expect basta ako masaya ako na kasali ako ulit sa MMFF."

Si Jericho Rosales naman na second choice sa pelikulang Walang Forever kasama si Jennylyn Mercado na best actress last year, ang makapag bigay ng magandang pelikula sa audience ay sapat na sa kanya.

"Wala ako expectation sa mga ganyan sa mga best actor awards dahil kalaban ko yan eh kapag nag trabaho ako basta ibinibigay ko ang best ko and sana magustuhan ng mga manonood ang pelikula namin," pagtatapos ni Jericho.

Magaganap ang MMFF Awards night sa Kia Theater sa Cubao.