• Home
  • Fresh Scoops
  • Why don’t Xian Lim and Kim Chiu put a label on their relationship?

Why don’t Xian Lim and Kim Chiu put a label on their relationship?

The stars of “All You Need Is Pag-ibig” also share who is the better kisser between them.

BY EJ SALUT

FRESH SCOOPS

12/25/2015 9:28 AM
Why don’t Xian Lim and Kim Chiu put a label on their relationship?


122515-kimxi_main.jpgSa panayam ng mag ka-love team na sina Xian Lim and Kim Chiu kagabi sa Tonight With Boy Abunda, sinagot ng dalawa kung bakit mahalaga sa kanila ang pag-ibig. 

“Of course Tito Boy, kasi kung wala kang pag-ibig parang di buo ang buhay mo. Isa siyang elemento sa buhay ng isang tao,” sabi ni Kim.   

Dagdag naman ni Xian, “It makes the world go round ika nga. Ano eh pagnagtatrabaho ka, bumabalik ka sa pag-ibig. That’s the reason why you sleep late at night, bakit ka puspusan sa pagtatrabaho, dahil sa pag-ibig sa pamilya.” 

Dahil na rin sa holidays, nabanggit ng dalawa ano na ang mga naging regalo nila sa isa’t isa. Sinabi ni Kim na naregaluhan na siya ng bag ni Xian at ng isang special notebook na puno ng mga mensahe nito para sa kanya. 

Si Xian naman, mahalaga daw sa kanya ang bawat oras na nilalaan para sa kanyan ni Kim.  

Natawa naman ang dalawa nang tanungin ni Boy kung willing mag-pose ng nude si Kim para kay Xian since magaling itong mag-painting. 

“‘Wag naman! Di ko kaya Tito Boy!” natatawang pahayag ni Kim. 

“Walang pinipili ang art, it’s a form of expression but thinking of it medyo kinakabahan na ko,” sabi naman si Xian. Ayaw din daw niya gawan ng nude painting si Kim dahil hindi daw magagawan ng justice ng painting niya ang beauty ng ka-love team. 

Sa isang press con nabanggit ni Kim na nasabi niyang “All I need is Xian” dahil Xian is always there for her. 

“Sa press con, kasi ‘All You Need is Pag-ibigso all you need is Xian, so sila (media) binigyan nila ng meaning. Pwede naman kasi Xian naman is laging nandiyan for me, taga-kinig basta andyan siya lagi,” paliwanag ng aktres.  

Si Xian naman sinabing “My love for Kim is never stagnant” na ang kahulugan ay, “It’s never the same, lagi siyang nagle-level up. Nung nakilala ko siya, obviously andun na talaga yun pagmamahal, and I appreciate the fact her saying she trusts me, na nakikinig ako.”

Sa kanilang nalalapit na pagbabalik tambalan naman sa TV sa teleseryeng “The Story of Us,” hindi nagbigay ng masyadong detalye ang dalawa tungkol sa kanilang love scene pero nagpapasalamat sila dahil nagtrending agad ito sa social media.  
Sa Fast Talk, naitanong ni Boy kung bakit ayaw pa nilang lagyan ng label ang kanilang relasyon since malapit naman sila sa puso ng isa’t isa. Sinabi ni Kim na “it’s fun” not putting any labels habang si Xian sinabi na mas gusto niyang pribado ang ganitong bagay. 

Maybe because it’s a sign of respect na din at the same time because everything is just so out in the open and it’s just something for us,” pahayag ni Xian. 

On who is the better kisser sa kanilang love scene sa teleserye, nasabi ni Kim na malamang ay hindi siya dahil medyo “reserved” siya sa mga ganoong bagay pero sinabi naman ni Xian na magaling naman si Kim.