• Home
  • Fresh Scoops
  • KC Concepcion reveals Christmas plans, thankful for blessings of 2015

KC Concepcion reveals Christmas plans, thankful for blessings of 2015

KC Concepcion considers 2015 a transitional year for her.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/24/2015 5:05 PM
KC Concepcion reveals Christmas plans, thankful for blessings of 2015


122415-kc_main.jpgNaging busy ang buong taon para sa mega daughter na si KC Concepcion. Sa araw mismo ng Pasko, magiging priority naman ni KC ang kanyang pamilya at mga mahal sa buhay. Ready na rin daw siya na maghanda para kanyang mga kapatid sa father side na magkakaroon ng salo-salo.

"We will spend Christmas sa family farm meron kami dyan sa may Tagaytay so yung family namin, my mom, my stepdad, my sisters, at mga kapatid sa papa's side may time din ako para doon maghahanda ako sa bahay."

Naging maingay ang 2015 para kay KC sa kanyang personal na buhay. Nagkaayos na sila ng kanyang ex boyfriend na si Piolo Pascual na kaibigan niya na ngayon. Nagkaayos na rin sila ng kanyang ina na si Sharon Cuneta na nakatampuhan niya. Sa kanyang advocacy, ipinagmalaki ni KC na mas dadami pa ang kanyang biyahe at reach out programs para sa less fortunate.

"Ang 2015 for me is parang transitional year parang dito nangyari lahat ng changes na parang nag level up ako in different ways na promote ako sa UN World Programs ko kaya may biyahe rin ako sa New York sa Los Angeles at dito sa atin sa Mindanao and medyo maganda ang naging experience ko internationally and thankful dahil ABS-CBN is always here na lagi kayo interesado sa nangyayari sa akin," pagtatapos pa ni KC.