• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Montes is looking forward to quality time with her family on Christmas Day

Julia Montes is looking forward to quality time with her family on Christmas Day

Julia Montes is very thankful for her series ‘Doble Kara’ this year.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/24/2015 5:06 PM
Julia Montes is looking forward to quality time with her family on Christmas Day


122415-julia_main.jpgIpinagpapasalamat ni Julia Montes na dumating sa kanya ang top rating afternoon serye na Doble Kara ngayong 2015. Ito daw ang pinaka-magandang regalo niya na natanggap para sa kanyang career kayat babawi naman siya sa kanyang pamilya ngayong Pasko. Sa probinsya lang daw sila magbabakasyon basta ang importante ay magkakasama sila ng mga mahal niya sa buhay.

"Magpapahinga po at babawi naman sa family mag-quality time naman ako kasama sila kasi ngayon lalo nawalan ng time na kasama sila kaya babawi tayo sa kanila ngayong Pasko."

Nagpapasalamat si Julia sa magagandang comments na natatanggap niya sa social media lalo na kapag may big scene sila sa kanilang Doble Kara serye.

"Overwhelming kasi kahit na pagod kapag nakikita mo ang response ng mga tao nakakatuwa at yun ang reward mo sa sarili mo na marami ka napapasaya." 

Looking back naman sa kanyang 2015, masarap na mahirap daw ang kanyang pinagdaanan pero marami siyang natutunan sa kanyang naging journey.

"Aminado ako na hindi naging madali ang journey na nagkaroon ako ng project na Doble Kara pero ang sarap daanan ng naging process ng journey na yun at thankful ako," sabi ni Julia.