• Home
  • Fresh Scoops
  • Albert Martinez on getting married again: ‘It crossed my mind’

Albert Martinez on getting married again: ‘It crossed my mind’

Albert Martinez speaks up about their first Christmas without Liezl Martinez.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/23/2015 9:52 AM
Albert Martinez on getting married again: ‘It crossed my mind’


122315-albert_main.jpgMalungkot ang magiging selebrasyon ng Pasko ni Albert Martinez at ng kanyang mga anak ngayong 2015 dahil first time na hindi na nila makakasama si Liezl Martinez.

“Kasi, normally every Christmas yung bahay naming parang Christmas shopping center, parang ganu’n, kasi kung anu-anong nilalagay ni Liezl sa Christmas tree.

“Ngayon, we just keep the tree. Yung iba hindi na namin nilabas. Pero yung aming traditional na two weeks before the Christmas na pictorial, kami na lang ng mga bata,” kuwento niya sa Push.com.ph.

“Pero yung noche buena kasi, ang tradisyon kasi namin, we celebrated with the Cojuangco family. Don kami nagno-noche buena sa kanila. We’ve been doing that for six or seven years na,” dagdag pa ni Albert.

Ipinagpapasalamat nang malaki ni Albert na naging maganda ang pagpapalaki ni Liezl sa kanilang mga anak kaya hindi raw siya namomroblema ngayon.

“Maganda yung pagpapalaki ni Liezl sa mga bata. Nabantayan niya nang maayos kaya ngayon, hindi ko... imagine, nakatawid na ako sa mga bata.

“Si Alissa is 22, si Alyanna is 29, Alfonso is 30 at lahat sila single. Yung mga bata yata ngayon parang ayaw nilang mag-asawa. Pero handa na akong maging apo. Kumbaga, apo pa more ang hashtag ko.

“Kasi, malungkot na sa bahay. Ako na lang ang nando’n,” pahayag pa niya.

Naisip na ba niya ang muling mag-asawa?

“Alam mo, it crossed my mind. Kaya lang, iniisip ko, what if mag-asawa ako, how will my kids accept kung sino ang magiging asawa ko? Hindi ko matimpla pa, eh.

“Kasi si Alyssa, yung anak kong youngest super selosa. Siya yung maraming tanong kapag hindi pa ako umuuwi. So binabalanse ko rin kasi ayoko namang magdagdag pa ng heartaches sa mga bata.

“Gusto ko lang to take [care] of them, make sure na makapag-asawa sila nang maayos at mabigyan sana ako ng apo soon, kung sino man sa kanila.


122315-albert_main.jpgMay mga nagpaparamdam bang girls sa kanya lalo na ngayong biyudo na siya?

“You know what, in reality, yung predicament ko ngayon mas mahirap compare noon. Kasi dati, kaibigan mo lang, okey lang, eh. Ngayon, meron ng malisya. Medyo mahirap na talaga.

“Ako naman, mas lalo akong nagiging maingat ngayon. Ayoko namang makasakit ng iba kaya I don’t allow myself to be in that position,” katwiran niya.

Aminado si Albert na maraming mga bagay siyang nami-miss kay Liezl hanggang ngayon.

“She is 80 percent of my life. Yung buhay ko sa kanya lang umiikot. Gigising lang ako sa umaga para magtrabaho. Dati lahat automatic na, pag gising ko sasakay na lang ako sa kotse, taping na.

“Ngayon, ako na lahat—financial management ng bahay pati pag alaga sa mga bata, to make sure they drink their vitamins, ako na lahat nagmo-monitor non. Dati hindi ko iniisip yon, eh.

“Mahirap din talagang mawalan ng partner sa buhay. Nakaka-miss,” medyo emosyonal na pahayag ni Albert na napapanood sa Ang Probinsyano at All Of Me.