Sushmita Sen tweets her support for Pia Wurtzbach

The 1994 Miss Universe also said the Philippines would always be special to her.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/23/2015 3:51 AM
Sushmita Sen tweets her support for Pia Wurtzbach


122215-SUSH_main.jpgNagpakita ng suporta para sa 2015 Miss Universe at ating kababayan na si Pia Alonzo Wurtzbach ang 1994 Miss Universe na si Sushmita Sen. Kilala ng maraming Pilipino si Sushmita dahil dito sa ating bansa naganap noon ang Miss Universe kung saan siya ang nanalo.

Sa tweet ni Susmita, masaya siya at sa isang Pinay napunta ang korona.

"Congratulations Philippines! Pia Alonzo Wurtzbach is a Beautiful and well spoken Miss Universe! May her reign be a celebrated one!"

Ipinaramdam din ng Indian Beauty Queen na espesyal pa rin ang ating bansa para sa kanya.

"For me every Filipino is Family and Philippines my second home since 21st of May 1994 winning Miss Universe in Manila is a Cherished blessing," dagdag pa nito. 

Para naman sa host ng 2015 pageant na nagkamali ng pag sabi ng nanalo, nagbigay mensahe rin si Sushmita.

"As for the host of Miss Universe 2015, Steve Harvey, a careless mistake that hurt a nations pride. Try justifying that to Miss Colombia," huling post niya. 

Matapos manalo ni Sushmita bilang Miss Universe, siya ngayon ang abala sa paghahanap ng mga kandidata sa kanyang bansa sa India para ipadala sa Miss Universe taon taon.

Photo credit: dnaindia.com


122215-SUSH1.jpg

122215-SUSH2.jpg

122215-SUSH3.jpg