
Hot topic ngayon ang pagkakapanalo ni Pia Alonzo Wurtzbach sa 2015 Miss Universe Pageant na naganap sa Las Vegas at napanood ng Live kahapon. 64 years na ang Miss Universe beauty pageant, na isa sa pinaka prestigious na beauty search ngayon. Sa higit na anim na dekada ng Miss Universe, malaki ang naging contribution ng Pinay Beauty Queens sa history ng Miss U.
Si Pia ang ikatlong pinay na kinironahan bilang Miss Universe, at nauna na dito si Gloria Diaz noong 1969 at Margarita Moran noong 1973.
1964 ng unang magpadala ang Pilipinas ng delegada sa Miss Universe at ito si Maria Myrna Sese Panlilio.
Ang mga nanalo sa Miss Philippines mula 1952 hanggang 1963 ang nagiging official candidate ng ating bansa sa Miss Universe, hanggang sa mapunta ang Miss Universe local franchise kay Stella Marquez Araneta noong 1964 sa ilalim ng Binibining Pilipinas.
1965 at 1966, pasok sa top 15 semi finalists sina Louise Aurelio Vail at Maria Clarinda Garces Soriano.

Photo credit to Missosology

Photo credit to Missosology
Top 12 semi finalist naman si Armi Barbara Crespo noong 1972 at Guada Sanchez noong 1974.

Photo credit to Missosology
Umakyat na tayo sa 4th runner up position noong 1975 sa paglaban ni Chiqui Brosas at 3rd runner up naman noong 1980 sa namayapang beauty queen at actress na si Chat Silayan. Ganito rin ang naging standing ni Desiree Verdadero noong 1984.

Photo credit to Missosology


Mahaba man ang sinasabing "tagtuyot" sa korona ng Miss Universe, pasok bilang top ten semi finalist noong 1987 si Pebbles Asis at top 6 finalist naman si Charlene Gonzales noong 1994 Miss Universe na naganap dito sa Pilipinas.

Photo credit to PageantMania

Photo credit to topten.ph
Dalawang beses natin nakuha ang pinaka masakit na position bilang first runner up noong 1999 kay Miriam Quiambao at 2012 kay Janine Tugonon.

Photo credit to Missosology

Photo credit to LLOYDLUNA.com
Magkakasunod na runners up na position ang nasungkit nina Venus Raj (2010), Shamcey Supsup (2011), Ariella Arida (2013), at top ten finalist si MJ Lastimosa noong 2014.

Photo credit to adventuresofabeautyqueen.com

Photo credit to Pinoypageantcentral.com

Photo credit to Newsflash.com

Photo credit to Philstar.com
Sa history ng Miss Universe, ang USA ang may pinaka maraming panalo with 8 titles; sinundan ng 7 mula sa Venezuela; 5 mula sa Puerto Rico; at 3 naman mula sa Pilipinas.