Pinuri rin ni Coco ang host na si Vice Ganda dahil diuamano kahit mas yumaman at mas gumanda na ito ay “hindi pa rin nagbago.” “Honestly, ang nakakatuwa kay Vice yung mga taong nasa paligid niya hanggang ngayon, yun pa rin yung mga taong kasakasama niya noong nagsisimula siya. Kaya nga sabi ko kahit anong narating niya sa buhay niya, yun pa rin si Vice hindi nagbago.”
Dagdag pa ni Coco, laking Tondo si Vice at siya naman ay laking Novaliches at “proud kami dun.” “Yung mga pinagdaanan namin sa buhay ang nagpatatag at nagpatapang sa amin kung bakit kami nandito ngayon.”