• Home
  • Fresh Scoops
  • What are James Reid and Nadine Lustre’s Christmas gifts to one another?

What are James Reid and Nadine Lustre’s Christmas gifts to one another?

The On The Wings Of Love stars will be spending the holidays apart.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/21/2015 2:21 AM
What are James Reid and Nadine Lustre’s Christmas gifts to one another?


122115-jadine_PUSH.jpgNagmistulang mini concert at pa-Christmas Party nina James Reid at Nadine Lustre ang nakaraan nilang get together sa Kia Theater sa Cubao, na sponsored ng Jollibee, na isa sa endorsements ng JaDine. 

Matapos ang program, nagpa interview ang dalawa sa kanilang dressing room at dito nai-share nila ang kanilang mga plano ngayong Pasko. Magkahiwalay sila sa pages-celebrate ng holiday season kasama ang kani kanilang pamilya. 

"I’ll be spending it sa Australia with my family, matagal na rin akong di nila nakakasama doon and it’s also a time to rest," paunang sagot ni James. 

Si Nadine naman, looking forward sa tahimik na holidays sa bahay nila kasama ang pamilya

"Nami-miss ko na po ang bahay namin at makasama ang family ko. Bale ito po ang time na quiet lang at bonding time kasama sila," sabi ng aktres. 

May Christmas gift na daw sila para sa isa’t isa pero ayaw muna nila ito i-reveal sa ating interview at malalaman din naman daw agad ito ng JaDine fans.

Nagpasalamat din sina James at Nadine sa kanilang followers dahil sa malaking tagumpay ng kanilang tandem lalo na ngayong 2015.

"Lagi namin sinasabi na dahil sa JaDine supporters ang success ng bawat project namin and malaki ang pasasalamat namin sa kanila dahil sobra, sobra ang support nila mapa-social media or personal malaking bagay po ito sa amin" sabi ni Nadine.