Character actor, ginagawang tubig ang alak?

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

12/3/2015 7:11 AM
Character actor, ginagawang tubig ang alak?


120315-ogie_main.jpgMadalas palang bisita sa isang kasa ang isang young character actor para ipagawa ang laging nasisira at naibabanggang kotse niya. Pero ang nakakalokah, wala raw pagkakataong walang bitbit na bote ng alak sa kamay ang aktor pag nandu'n, kaya umaga pa lang sa kasa, lasing na agad.

"Ginagawa niya po bang tubig ang alak, Sir Ogie?" tanong sa akin ng staff. 

"Grabe, pag me tama na siya, kumukulit. Tapos pag hindi sila magkaintindihan ng staff na kausap niya, nagtataas siya ng boses at nanlilisik ang mga mga mata. Nakakatakot.

"Kaya oo na lang nang oo yung kausap niya para tapos na ang usapan."

Nung minsan naman daw, umaga din nagpunta, "May dalang kape, nasa Starbucks paper cup pa. Pero parang yung kapeng iniinom niya, nakakalasing, dahil ganun na naman ang attitude. Noon lang namin na-gets na yung alak, inilagay lang niya sa cup ng starbucks para nga naman hindi mapagkamalang alak.

"Pero pag kausap siya, amoy na amoy ang alak. Sa tapang ng pabango niya, amoy pa din ang alak. Ganon po ba yon talaga? Mamamatay nang hindi nasasayaran ng alak ang bibig niya?"

Actually, yun din ang nagiging problema ng aktor na ito sa tuwing magte-taping. Pero siyempre, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang mga naniniwala at nagmamahal sa kanyang mga taga-industriya na siya ay magbabago.

Dahil napakahusay naman talagang umarte ng batang ito, no doubt about it. Kaso, kahit anong husay mo sa pag-arte, kung pasaway ka at binibitbit mo ang bisyo mo sa trabaho eh balewala rin.

Kaya pray na lang tayo na wag na siya laging nasa beast mode pag nakakainom para pagtiwalaan uli siya na bigyan ng show.

Photo credit: soberfreedom.com