Miho Nishida says 'yes' to Tommy Esguerra

Miho admits she already has feelings for Tommy.

BY EJ SALUT

FRESH SCOOPS

12/20/2015 5:10 AM
Miho Nishida says 'yes' to Tommy Esguerra


121915-tomiho.jpgSa huling episode ng "Tomiho, a love realiserye" sa It's Showtime, pumayag na ang Pinoy Big Brother 737 Big Winner na si Miho Nishida na maging girlfriend ni Tommy Esguerra live on national TV. 

Inulit ni Tommy ang tanong niya kay Miho kahapon, kung handa na ba itong maging girlfriend niya after nilang magkalinlanan ng halos mahigit sa isang buwan sa labas ng Big Brother house. Umamin si Miho na sa una pinagdudahan niya ang intensyon ng Fil-Am model. 

"Tommy, nung nakilala kita sa loob ng bahay ni Kuya halos araw-araw tayo nagkasama sa loob ng 3 buwan, 3 months. Unang una sa totoo lang, hindi ako naniniwala sa iyo dahil PBB, show yun eh, maraming camera. Tsaka baka sinasabi mo lang yan para dun sa show, hindi ako talaga naniniwala sa yo.pagumpisa ni Miho sa kanyang kasagutan. 

Pero nung nakalabas na sila ng bahay ay naging consistent pa din si Tommy sa panliligaw nito sa kanya. 

"Tapos, pagkatapos ng bahay ni Kuya, andito na tayo sa labas, outside na tayo ngayon, kala ko magbabago ka, pero nakikita ko sa araw-araw di ka naman nagbago, ganun ka pa rin. At yun pinakamasaya ko na ginawa mo inintindi mo, inalagaan mo yung mommy ko, si Aimi, mas binibigyan mo siya ng respeto kaysa sa akin, yun ang nagustuhan ko sa yo," sabi pa ni Miho. 

Sa huli ay isang matamis na "oo" ang sinagot nito kay Tommy. 

"Kaya, gusto kong malaman mo Tommy na, yes," sabi ni Miho na halos di na marinig sa mga hiyawan sa studio ng noontime show.  

"Sigurado ka na?" ang nasabi lang ni Tommy noong una at sinagot siya ni Miho na napagisipan niya ito at hindi lang dahil napapanood sila sa live TV. 
 
"Pinagisipan ko yun, di ko inisip yun pressure. yung taong bayan, basta sarili ko lang ang inisip ko," sabi ni Miho na hindi na natapos ang salita dahil niyakap na siya ng mahigpit ni Tommy.  

Binigyan naman ng singsing ni Tommy si Miho at ipinaliwanag na hindi iyon engagement ring pero ito ay isang promise ring na ang ibig sabihin ay 'walang iba, pangako.'

Ikinwento din ni Tommy na tanggap naman niya sakaling hindi siya sagutin ni Miho dahil alam niya ang mga priorities nito sa buhay. 

"Sana oo ang sasabihin niya. Hindi ako makapaniwala. Alam ko situation niya at I understand, she has a daughter, she's got to look after her career and her family first di ba? So if she would have said no, I would not hold it against her. It just shows that's what she is, she's strong about her morals, they're important to her." 

Inamin din ni Miho na nagdadalawang isip pa din siya kahapon pero gusto daw niya pagkatiwalaan din si Tommy dahil may nararamdaman na din siya para sa kanyang fellow PBB housemate. 

"Kagabi nagisip din ako after ng Showtime. Inisip ko yung lahat lahat mula nun una. Mula dun sa bahay ni Kuya hanggang ngayon. Yung mga ginagawa niya sa kin. Kasi mararamdaman mo naman kung yun ginagawa niya sa akin, kung totoo siya sa akin o hindi. Gusto ko naman siya paniwalaan dahil di panaman to kasal. E di ok para makilala ko pa siya lalo, eh yun kaya [umoo na ako]" pahayag ni Miho. 

Nasa audience ng noontime show ang ina ni Miho na si Mercedes at anak nitong si Aimi. Bakas sa mukha ng dalawa ang kasiyahan para kay Miho at Tommy. 

Panoorin ang memorable moment na ito DITO