• Home
  • Fresh Scoops
  • John Lloyd Cruz on his MMFF movie: ‘Gusto kong makita kung paano siya tatanggapin ng audience’

John Lloyd Cruz on his MMFF movie: ‘Gusto kong makita kung paano siya tatanggapin ng audience’

John Lloyd Cruz wants to see how audiences will react to his first ever MMFF movie ‘Honor Thy Father’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/20/2015 6:10 AM
John Lloyd Cruz on his MMFF movie: ‘Gusto kong makita kung paano siya tatanggapin ng audience’


122015-JLC_main.jpgKahit Pasko, magtatrabaho pa rin si John Lloyd Cruz dahil meron siyang pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival na mismong December 25 magsisimula—ang Honor Thy Father.

“First time kong Christmas season na may trabaho. So, para maiba, okay din,” excited na pahayag ng aktor.

Excited din kaya siya sa awards night lalo na nga’t ngayon pa lang ay marami na ang humuhula na siya na ang magwawaging best actor?
 
“Ako, more than anything talaga, it’s not the awards, it’s not the box office, ‘yung kita, hindi. Ang sa akin, pinaka-excited ako du’n sa fact na mayroong ganitong tema ng pelikula na part ng MMFF.

“Gusto kong makita kung paano siya tatanggapin ng audience, especially audience ng MMFF kasi parang sila ‘yung parang representative talaga. Dito kasi, walang ibang pinapalabas (na any movie, local or foreign na non-MMFF), di ba?” pahayag pa niya.

Kinakabahan ba siya na hindi rom-com kundi isang seryosong tema ng pelikula ang kanyang ginawa?

 “’Yung kaba, kahit naman sa rom-com, ito namang A Second Chance (ang huli niyang movie na nag-break ng record sa box office), hindi naman namin ine-expect na magiging ganyan ang (result), kumbaga, in the end, hindi mo pa rin masusukat ang audience,” he said.

When asked kung itinuturing din ba niyang second chance sa career niya ang A Second Chance dahil na-depress siya sa nangyari sa The Trial, nagbigay din ng reaksyon ang aktor.

“Hindi, hindi ‘yun. You know, after a while, ilang taon na ako sa (showbz), mahigit kalahati ng buhay ko, nandito na ako sa industry. Ni-launch ako, 1997, more than 15 years na. Eh, siyempre, kailangan mong… minsan, hindi madaling sumakay sa transition. Minsan, hindi mo alam kung saan ka na lulugar, minsan hindi mo na alam kung anong direksyon.

“So, ‘yun ang sinasabi ko. Sa ganun’g konstekto ko siya nabanggit. Ayun, ‘yun yata ang exciting. Parang ang career naman namin, parang buhay lang, eh. Minsan, nandiyan ka, minsan, wala. Ang importante is every chance you get, enjoy mo and do it your best,” sabi pa ng magaling na aktor.

Samantala, ang kwento ng Honor Thy Father ay tungkol sa isang padre de pamilya na si Edgar (Lloydie) na may asawang namamahala ng investment business. Bumagsak ang negosyo ng asawa kaya nagait ang investors at dumating sa puntong pagbabantaan ang mag-inang Kaye at Angel (Meryll Soriano and Krystal Brimmer) maibalik lang ang pera nila.

Bilang ama, ginawa niya ang lahat upang bigyan ng proteksyon ang mga minamahal pati na ang pagkapit sa patalim.

Ang Honor Thy Father ay produced ng Reality Entertainment at showing na ngayong December 25.