• Home
  • Fresh Scoops
  • John Lloyd Cruz clears break up issue with Angelica Panganiban

John Lloyd Cruz clears break up issue with Angelica Panganiban

The actor also opens up about getting married.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/19/2015 5:05 AM
John Lloyd Cruz clears break up issue with Angelica Panganiban


121715-johnlloyd_main.jpgFresh na fresh si John Lloyd Cruz na humarap sa entertainment press para sa press con ng Metro Manila Film Fest entry film na Honor Thy Father. Ito ang unang MMFF movie ng aktor kayat excited siya sa pagsagot ng mga tanong sa kanya tungkol sa pelikula at kasama na rin ang mga tanong sa personal niyang buhay kabilang na ang paglinaw sa issue na nagkakalabuan na sila ng girlfriend na si Angelica Panganiban. Bihira na kasi silang magkasama sa publiko, na sinagot ni John Lloyd.

"It’s a work season for us. It has been for quite a while mula ng mag-soap siya. Ngayon lang siya nakakuha ng break dahil kailangan sa istorya nila, ako naman ng magpunta siya sa New York may tinatapos ako na pelikula," paliwanag ng aktor.

Sa usapin naman ng kasalan, hindi pa daw ito sumasagi sa isip niya at basta na lang daw ito darating.

"I’d like to believe na walang ganun, I’d like to believe na it’s going happen as organic as it’s happening in my head, parang kapag naramdaman mo at nandoon na ang moment, parang doon na lalabas. Medyo ideal ako sa ganyang aspeto," paliwanag niya.

Binigyang halaga rin ng aktor na importante ang basbas ng kanyang mga magulang at pamilya ng babae na kanyang makakasama habang buhay. "Ang tingin ko doon dapat kung sino ang mapili na mahalin mo ay dapat mahalin din nila dapat, may blessing nila, dapat malinaw iyun sa pamilya at katanggap tanggap," pagtatapos ni John Lloyd.