EXCLUSIVE: Coco Martin shares his plans on settling down

Coco Martin reveals his thoughts on raising a family.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/19/2015 5:06 AM
EXCLUSIVE: Coco Martin shares his plans on settling down


121715-coco_main.jpgMinsan lang magbahagi ng kanyang mga plano sa kanyang personal na buhay ang Primetime King na si Coco Martin. Wala man hayagan na pag-amin kung ano ang present na status ng personal na buhay ni Coco sa ngayon, sinagot niya ang ating mga tanong tungkol sa kanyang mga plano sa pag-settle down sa buhay.

"Anytime kasi 34 na ako naman. Sinasabi nga nila alam mo mag-family ka na, masarap na nakikita mo lumalaki ang anak mo parang barkada mo. Sabi ko naman mas gusto ko muna pag-tuunan ng pansin ang pag-iipon para sa future ko, hindi lang sa family ko ngayon kundi para sa magiging future family ko na talaga."

Naibahagi ni Coco na mas priority niya sa ngayon na makaipon pa para mas maging matibay ang kanyang kinabukasan at sa pagsisimula niya ng sariling pamilya sa hinaharap.

"Kasi gusto ko kapag dumating ang araw na yun that time nakaipon na ako mas stable na ako at mas may oras na para sa kanila. Hindi iyung kung kailan ako nag-asawa at may anak at pamilya mas naghahabol ako sa trabaho at kailangan na mag ipon," sabi ni Coco.