EXCLUSIVE: Joem Bascon talks about his 10 years in showbiz

What does Joem Bascon consider his greatest achievement in his 10 years in showbiz?

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/17/2015 9:05 AM
EXCLUSIVE: Joem Bascon talks about his 10 years in showbiz


121715-joem_main.jpgTen years na pala sa showbiz si Joem Bascon at kuntento naman daw siya sa takbo ng kanyang career kahit kadalasan ay supporting roles lang ang kanyang ginagawa.

“Sa akin naman, kahit pa anong role basta sa tingin ko ay kakayanin kung gawin at makakatulong ako sa idustriya natin, wala namang problema sa akin,” simulang pahayag ni Joem nang makausap siya ng Push.com.ph sa presscon ng Haunted Mansion.

“Tulad dito sa Haunted Mansion, support ako ng mga bata—nina Janella (Salvador), Marlo (Mortel) at Jerome (Ponce). Ako yung caretaker ng mansion pero importante rin yung role ko sa movie dahil meron itong twist sa ending,” patuloy ni Joem.

Sa palagay ba niya, ano ang edge ng Haunted Mansion sa ibang Metro Manila Film Fest (MMFF) movies?

“Honestly po, sorry ha, siyempre hindi pa natin masasabi sa MMFF kasi minsan ang MMFF, bigla na lang may nagbo-boom na pelikula tulad nung kina Jennylyn (Mercado) at Derek (Ramsay). Kumbaga, I’m hoping na sana maging ganu’n kami na mag-boom siya.

“Alam mo naman ang MMFF, kumbaga teritoryo nina Kris (Aquino) yan, Vice Ganda, pero with this one, sana po, kasi underdog kami dito, eh, kaya sana po maging okey,” reaksyon niya.

In his 10 years sa showbiz, ano ba ang maituturing niyang greatest achievement?

“Siguro, kung ano yung natulong ko sa pamilya ko, sa nanay at  tatay ko. Kumbaga, I take pride kung ano yung ikinatuwa nila sa akin, yung naitulong ko sa kanila—financial, kung anuman yung kailangan sa pamumuhay namin. Sa tingin ko yon na yung greatest achievement ko.

“Yung mga recognition kasi sa pagiging aktor ko parang bonus na lang yon, eh. Love ko naman talaga siya (craft), pero siyempre, aminin natin at the end of the day may mga pinapakain tayo, may mga tinutulungan tayo, so yon na yung greatest achievement ko, ang makapagbigay ako do’n sa mga taong mahal ko,” pahayag ng aktor.

Naikuwento rin sa Push.com.ph ni Joem na balak na rin niyang magpakasal sa kanyang Chinese girlfriend na five years na niyang karelasyon.

“Siguro next year (2016). Hindi pa ako nagpo-propose pero nag-iipon na,” pag-amin niya.

“Nakatapos na ako do’n sa family ko, ito naman yung para sa akin. Next year na siguro, 30 na ako, eh,” dagdag pa niya.

Proud naman si Joem na sabihin ang sikreto kung bakit tumagal ng five years ang relasyon nila ng kasintahan.

“Ano naman ako sa girl, eh. For keeps akong magmahal, hindi naman ako... Alam mo naman kahit nu’ng kay Meme (Meryll Soriano), hindi naman ako... Ako kasi yung tipo ng lalaki na kung sino yung babae ko ngayon, yon lang talaga,” pagtatapos ni Joem.