• Home
  • Fresh Scoops
  • Annabelle Rama on Ruffa Gutierrez: ‘As of now okay naman kami’

Annabelle Rama on Ruffa Gutierrez: ‘As of now okay naman kami’

Annabelle Rama releases book titled ‘Day, Hard!’

BY KRISTHOFF CAGAPE

Twitter: @kristhoff_cgp

FRESH SCOOPS

12/16/2015 10:42 PM
Annabelle Rama on Ruffa Gutierrez: ‘As of now okay naman kami’


121615-anabelle_main.jpgAnnabelle Rama is now an author. The actress-manager officially launched her book titled Day, Hard! last Tuesday, December 15, 2015 at the ABS-CBN compound. Annabelle said that she always wanted to publish her own book.

“This is my dream come true. Matagal na akong gustong magkaroon ng libro. Di ko alam kung papaano gagawin ko, sino ang gagawa, sino ang writer. Ngayon nakita ko na ang katotohanan, ‘yung dream ko talaga natupad na,” she said.

Annabelle relayed that the book contains love advice which is inspired from her life and love story with husband Eddie Gutierrez.

“’Day Hard’, ‘Day’ is Inday, tapos ‘Hard’ [kasi] nahirapan ako kunin ang aking minamahal [kaya] ‘Day Hard’ ganon ‘yun. Pinakamahirap kung papano ko siya (referring to Eddie Gutierrez) maging boyfriend [before], kasi lagi niya akong tinatago, lagi akong nagdi-disguise, lagi akong naka-wig, pinakamahirap talaga ‘yun kasi superstar siya eh sino ba naman ako isang fan lang.”

She also shared that she also took inspiration from her daughter Ruffa Gutierrez’s love life. She shared that she has advice for Ruffa in the book. “Actually lahat [ng advice] yan nabigay ko na sa kanya yan eh, hindi lang niya sinusunod eh, matigas ang ulo niyan eh kaya kinakarma siya. Kung sinusunod mo ang nanay mo Ruffa magiging maganda ‘yung buhay mo. Until now wala pa rin siyang matinong love life dahil hindi siya gumagaya sa akin kaya sabi ko sa kanya basahin mo ang libro ko Ruffa maganda ‘yan.” 

When asked by the press about the status of her relationship with Ruffa, she relayed that they are actually on good terms at the moment. “As of now okay naman kami kasi alam niyang hate na hate ko ‘yung boyfriend niya, hindi na niya pinapakita sa akin. Hindi ko alam kung nandiyan ba o umalis na.”

She continued, “Dati kasi proud na proud siya, kumakain sa bahay naabutan ko ‘yung lalaki. Okay sa akin nong umpisa dahil akala ko naman kasi bisita lang, nagbabakasyon lang dito aba lagi ng kumakain, wala bang pagkain sa bahay yan? Bakit lumalamon ‘yan, wala ba ‘yang panlamon sa labas? Doon nag umpisa ang galit ko so para hindi kami mag-away kailangan ilayo sa akin ang lalaki kaya hindi ko alam na nandito ba siya o umalis ba siya. Basta magkasama kami buong family wala na ‘yung guy. Dati kasi nandiyan, pasko nandiyan pa rin. Ngayong pasko huwag dalhin sa bahay ‘yan kung nandiyan man siya para walang gulo, walang away.”