• Home
  • Fresh Scoops
  • Marlo Mortel reacts on Janella Salvador's team-up with Elmo Magalona

Marlo Mortel reacts on Janella Salvador's team-up with Elmo Magalona

Marlo Mortel says “Haunted House” will be his last team-up with Janella Salvador.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/16/2015 3:10 AM
Marlo Mortel reacts on Janella Salvador's team-up with Elmo Magalona


121515-marlojanella_main.jpgTanggap ni Marlo Mortel na posibleng huling team-up  na nila ni Janella Salvador ang Metro Manila Film Fest movie ng Regal Films na Haunted Mansion, pero masaya naman daw siya sa bagong yugto sa career ng ka-loveteam.

Eh, ano nga ba ang feeling na sa iba na ipapareha si Janella?

“Yung pakiramdam na magkakahiwalay muna kami ni Janella, siyempre malungkot. Kasi nasanay na kami na laging magkasama,” bulalas agad ni Marlo.

“Ako, sanay na sanay ako na kasama siya and sobrang enjoy ako pag kasama ko siya, so, siyempre malungkot kasi mamamahinga  muna kami. But I’m very happy for her kasi magkakaroon siya ng bagong teleserye with a new partner, so bagong experiement na naman sa career niya, so masaya ako para sa kanya,” patuloy niyang  pahayag sa Push.com.ph.

Habang sinusyuting daw nila ang Haunted Mansion ay hindi pa siya aware na may bagong ka-loveteam si Janella.

“Hindi pa. Nalaman ko lang siya, ano na, kung kelan ina-announce na sa TV, nung nag-presscon sila. Doon ko lang nalaman na si Elmo (Magalona) na,” say pa niya.

Mabuti na lang daw at nasulit niya ang mga panahong nagsusyuting sila ng Haunted Mansion para makasama si Janella. Nagkaroon daw sila ng bonggang bonding with Janella na ang description pa nga niya ay “bonding to the max.”

Nang tanungin namin si Marlo kung napag-usapan ba nila ni Janella ang tungkol sa kanilang nalalapit na paghihiwalay, ang sabi niya, “Well, dati pa lang, siyempre sinasabihan na ako na mag-ready kasi hindi naman lahat permanent dito sa showbiz.

“Kumbaga, kahit yung mga matitibay na loveteams nabubuwag din at some time, di ba? So, ako naman, ni-ready ko na yung sarili ko, na simula pa lang nu’ng mag-enter ako ng showbiz na may mga ganyan talagang times na hindi kung ano yung gusto mo, yon ang mangyayari.

“It’s the management’s decision na i-partner si Janella sa iba, so wala naman po akong magagawa do’n. Ang magagawa ko lang po ay magig happy for her at gawin din yung best ko as an artist,” paliwanag pa ni Marlo.

Ano ba yung mga mami-miss niya kay Janella?

“Well, makulit kasi siya. Lagi niya akong kinukulit lalo na pag tulog ako, lagi niya akong pini-picture-ran, nang-aasar siya. Totoo naman kasi talaga yung friendship naming dalawa. Nasasabi ko sa kanya lahat and siya din. Mami-miss ko yung friendship namin and feeling ko naman hindi yon mawawala, eh.

“At para sa akin, hindi naman ito na talaga yung last na team-up naming, dahil kumbaga, itong movie na ito ngayon pa lang ipalalabas and what if naging maganda yung resulta nito, malay nyo in the near future, magpartner ulit kaming dalawa. So yon,” pagtatapos ni Marlo.