• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo and Daniel Padilla give joy to 300 kids from Quezon City this Christmas

Kathryn Bernardo and Daniel Padilla give joy to 300 kids from Quezon City this Christmas

Kathryn Bernardo and Daniel Padilla host Christmas charity event to 300 kids

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

12/15/2015 9:00 AM
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla give joy to 300 kids from Quezon City this Christmas


121515-kathniel_main.jpgSa Bandila, ibinalita ang paghandog ng maagang pamasko ang love team na Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (KathNiel) sa 300 na bata mula sa iba’t ibang barangay sa Quezon City.

Hindi lang pagkain at regalo ang pinamahagi ng KathNiel sa mga bata, nagpalaro rin sila at nagbahagi ng kuwento sa storytelling session. 

Diumano, malalaking KathNiel fans club ang nagsanib pwersa at nag-organize ng Christmas charity event na ito bilang pasasalamat sa mga blessings na dumating sa KathNiel ngayong 2015.

Masaya si Daniel na nakatulong sila sa pamamagitan ng event na ito. Ani Daniel, “talagang nakakalambot ng puso, nakakatuwa at ngayon pang darating ang pasko ang sarap tumulong.”

Ayon naman kay Kathryn, malapit talaga sila ni Daniel sa mga bata. “Ito yung perfect time na gawin ito kasi nga magpapasko, so yung mga bata ayan para mapasaya mo sila sa mga simpleng ganyan matutuwa na sila and yan gusto namin talaga mga bata e kaya malapit talaga sila sa amin.”