• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Coco Martin and Vice Ganda reveal their Christmas gifts for each other

EXCLUSIVE: Coco Martin and Vice Ganda reveal their Christmas gifts for each other

Coco Martin and Vice Ganda really appreciate the blessings that have come their way.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/16/2015 3:08 AM
EXCLUSIVE: Coco Martin and Vice Ganda reveal their Christmas gifts for each other


121515-vicecoco_main.jpgExclusive na naka-one-on-one ng Push.com.ph ang mga bida ng Metro Manila Film Fest movie na Beauty and the Bestie na sina Vice Ganda at Coco Martin na matagal ng magkaibigan. Bago pa man maging matagumpay sa kani-kanilang mga career sa showbiz, naging malapit na sa isa’t isa sina Coco at Vice na nagkakilala sa isang Christmas party noong dekada nobenta sa Max’s Restaurant. Kinuhang host ng event noon si Vice na isang sing-along master at nagkataon naman na waiter sa restaurant si Coco.

Ngayon na magkasama sila sa una nilang lead roles, naitanong ng Push sa dalawa na kung ano ang ireregalo nila sa isa’t isa ngayong pasko.

Naunang sumagot si Vice.

"Naku bibigyan ko siya ng relo kasi dati binigyan ko na siya ng Esprit na watch. Yun pa lang kasi ang afford ko noon. Ngayon gusto ko yun ulit ang ibigay sa kanya."

Si Coco naman naging makahulugan ang sagot.

"Bibigyan ko siya ng image ng Nazareno ng Quiapo para maging gabay niya sa lahat ng pagsubok sa buhay."

Kapwa aminado ang dalawa na galing sila sa ibaba at malaking advantage daw ito para sa kanila ang magsumikap sa kanilang career at mahalin ang bawat blessing na dumadating sa kanila.