• Home
  • Fresh Scoops
  • Jennylyn Mercado shares why she’s not looking for a boyfriend

Jennylyn Mercado shares why she’s not looking for a boyfriend

The actress even admits no one is courting her at the moment.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/14/2015 3:10 AM
Jennylyn Mercado shares why she’s not looking for a boyfriend


121415-jennylynmercado_PUSH.jpgWala pa ring love life hanggang ngayon si Jennylyn Mercado na bida ng 2015 Metro Manila Film Fest movie ng Quantum Films na Walang Forever. Hindi naman siya puwedeng ma-link sa leading man niyang si Jericho Rosales dahil happily married na ito.

Eh, Kelan ba talaga siya ulit iibig?

“Ah, ano ba… Eh, ayoko lang munang mag-focus sa lovelife ko. Gusto ko sa trabaho, sa career, sa pamilya, kay Jazz, sa sarili ko, do’n muna ako magpo-focus.

“Okay na kasi ako ngayon, eh. Nawawala ako sa focus kapag may iba, kapag may lovelife,” pahayag ng aktres sa Push.com.ph.
 
Pero may nanliligaw naman ba sa kanya?

“Sa totoo lang, wala po. O, baka hindi ko lang masyadong napapansin,” giit pa niya.

Dagdag pa ni Jennylyn, “Noong may love life ako, ang daming napipigil kasi ayokong magtrabaho, iba talaga. Ngayon, mas masaya kasi, okey na, eh, baka masira.”

Hindi naman kaya nai-intimidate lang ang mga lalaki na lugawan siya dahil sa status niya sa showbiz?

“Ganun ba yon? Parang hindi naman,” natatawa niyang reaksyon.

“Ano lang, wala lang siguro ako talagang time, hindi ko lang siguro sila makita ngayon. Parang hindi talaga do’n yung atensyon ko kaya parang hindi ko napapansin,” sabi pa niya.

May goal kasi si Jennylyn kung bakit gusto muna niyang maging single.
“Iniisip ko kasi mag-isa lang ako,  kailangan kong i-secure yung future ko saka ni Jazz kasi kami lang namang dalawa, eh. Ano na yon, nakatabi na yon for Jazz para sa future namin.

“Pero siyempre, maganda yung kahit anong mangyari ready ka, may nakareserba, di ba?” paliwanag ng aktres.

Eh, hindi ba siya nalulungkot pag-uwi sa gabi na parang may kulang?

“Hindi ko na nga nararamdaman, eh. Kasi pag hihiga ako sa kama, parang wala na akong time mag-isip. Pikit agad ako, tapos wala na, humihilik na ako,” natatawa niyang kuwento.

Ibinahagi rin ni Jennylyn sa Push.com.ph ang palano niya ngayong Pasko

“Sa bahay lang kami. Pag New Year, dito lang din. Pag Christmas lahat ng relatives namin nando’n. Ganu’n lang. Parang family bonding talaga.”

 With regards sa character na pino-portray niya sa Walang Forever, kuwento ni Jen, ibang-iba raw ito sa English Only Please.

“Lahat dito nasa loob lang. Sa English Only Please lahat tinatapon, eh. Lahat daldal. Eto, lahat nandito lang, sa mukha lang lahat, sa utak lang lahat. So medyo mas challenging ito,” say pa niya