Andrew E. reveals he courted Anna Roces

Andrew and Anna are reunited on Gandang Gabi Vice.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/14/2015 3:00 AM
Andrew E. reveals he courted Anna Roces


121415-andrew_PUSH.jpgSa Gandang Gabi Vice, inamin ni Filipino rapper Andrew E. na nanligaw siya sa pinakamatagal niyang leading lady na si Anna Roces. Ayon kay Andrew, “Nanligaw ako pero basted.”

Kwento pa ni Andrew, “Hindi maiwasan  (ma-inlove) kasi araw-araw mo kasama for like two months and then next movie kasama mo nanaman.”

Expected naman diumano ni Andrew na “mabasted” siya dahil diumano, “siguro sa itsura.”

Sa lahat din ng naging leading ladies ni Andrew, si Anna lang ang naging mailap hindi lang sa puso ni Andrew, kundi pati na rin sa kissing scenes. Hindi nagkaroon ng kissing scene si Andrew at Anna dahil ayon sa rapper, “She was young at very strict ang Mommy niya.”

Gulat na gulat naman si Andrew sa pagdating ni Anna sa GGV. Nagkamustahan ang dalawa, at isa sa mga kinumusta ni Anna ay ang “special pansit” ni Andrew. Kwento ni Anna, nagdadala ng kanyang special pansit si Andrew sa set ng hit movie nila noon na Alabang Girls.

Masaya rin si Anna na nagkaroon si Andrew ng successful marriage at magagandang mga anak.