• Home
  • Fresh Scoops
  • Kean Cipriano, Denise Laurel, KZ Tandingan give hints on their YFSF finale performance

Kean Cipriano, Denise Laurel, KZ Tandingan give hints on their YFSF finale performance

Kean Cipriano, Denise Laurel, KZ Tandingan reveal their most memorable YFSF performances

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/13/2015 5:07 AM
Kean Cipriano, Denise Laurel, KZ Tandingan give hints on their YFSF finale performance


121215-YFSF.jpgMagaganap na ngayong weekend ang pinakahihintay na grand showdown ng Your Face Sounds Familiar sa Newport Theater ng Resorts World Manila. Nakausap ng Push.com.ph ang tatlo sa mga finalists na sina KZ Tandingan, Kean Cipriano at Denise Laurel sa mga di nila makakalimutang tagpo sa kanilang season ng YFSF.

Muli nilang ni recall ang sa tingin nila na pinaka magaling nila at pinaka nahirapan na gayahin.

Unang sumagot si Kean

"Paborito ko Mick Jagger tapos nahirapan ako na kung pwede ko siya gawin ulit si Robby Rosa."

Si KZ naman, di makakalimutan ang duet yourself episode ng YFSF.

"Yung ginawa namin na duet yourself kasi yun ang pinaka-mahirap pero pinaka-maganda line up sa buong 13 weeks, pinaka-nahirapan ako sa Shakira"

Si Denise, dalawa ang naging sagot na di niya makakalimutang experience.

"Pwedeng dalawa dalawa? Favorite ko was NeYo at Lea Salonga and then dalawa pinaka mahirap para sa akin Jed Madela; Barbra Streisand and Tony Bennett."

Bawal man sabihin kung sinong music icon ang huli nilang gagayahin sa finale night, nagbigay naman ng hint ang tatlo.

Para kay Kean, malayong malayo sa kanyang personalidad ang natapat sa kanya.

"Ako yung gagawin ko for the finals masasabi ko na ano siya out of the box siya para sa akin. Malayo ang personalidad ng tao na ito para sa akin."

Overwhelmed naman si Denise sa kanyang gagayahin sa finale night 

"For me dream come true,” sabi ni Denise. “I don’t even care about winning or losing. The fact na magagawa ko siya with full costume, full lights and a big stage okay yun sa akin."

At para kay KZ, matinding research at preparation ang ibubuhos niya sa kanyang gagayahin sa finals.

"Siya kasi as a performer really outrageous wala siyang performance na okay kang lahat todo."

Para maka-boto at suportahan ang celebrity performer sa YFSF finals, sundin lang ang sumusunod na syntax:

Your Face Sounds Familiar voting mechanics: Voting starts on Saturday night, after all performers have performed.

To vote, text:
YFSF NAME OF FINALIST

YFSF KEAN
YFSF KZ
YFSF MICHAEL
YFSF SAM
YFSF DENISE

Send to 2366 (all networks)
P1.00/vote for all networks.
*1 vote per SIM per day