• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Ara Mina preparing for daughter Amanda’s first birthday

EXCLUSIVE: Ara Mina preparing for daughter Amanda’s first birthday

Ara Mina reveals she’s personally handling most of the preparations for her daughter’s first birthday.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/13/2015 5:05 AM
EXCLUSIVE: Ara Mina preparing for daughter Amanda’s first birthday


121215-ARA.jpgOne year old na si Amanda Gabrielle Meneses sa December 17 at personal na inaasikaso ng mommy niyang si Ara Mina ang pag-iimbita ng guests na magiging part ng birthday celebration na magaganap sa Greanmeadows Clubhouse.

“Mas maganda kasi na sa mismong Dec. 17 yung party ni Mandy para birthday niya talaga. Imagine, isang taon na ang baby ko. Ang bilis ng araw, nakakatuwa,” pahayag ni Ara sa Push.com.ph

Ang aktres din ang personal na tumatawag at nag-iimbita para masiguradong darating sila sa birthday ng anak.

“Ako yung nag-a-RSVP. Tinatawagan ko sila para ma-confirm ko if they’re coming or not. Matrabaho kasi more than 100 yung ini-expect kong bisita, wala pa do’n yung adults guests ha.

“Marami akong inimbita kasi gusto ko talagang maging memorable ang first birthday ni Mandy. Siyempre ang iimbitahan mo ay yung mom or yung parents kasi sila ang magdadala sa anak nila. Hahaha! Wala pa namang alam yung mga bata, di ba?” biro pa niya.

Ilan daw sa mga naimbithan niya ay ang mga anak nina Melissa Ricks, Helga Krapf, LJ Moreno, Say Alonzo at iba pang mga kaibigan.

Pupunta din daw sina Alonzo Muhlach,  Jessa Zaragosa and husband Dingdong Avanzado.

Si Cristine Reyes ay may taping sa December 17 kaya baka hindi raw ito makarating. Si Ali Khatibi lang daw ang magdadala kay Baby Amara.


121215-ARA.jpg“Amanda In Onederland” na inspired ng Alice In Wonderland ang magiging theme ng birthday party. Bongga rin daw ang giveaways na siguradong ikatutuwa ng mga bata.

Darating ba ang tatay ni Mandy na si Mayor Patrick Meneses sa kaarawan ng anak?

 “Of course naman, tatay siya ni Mandy,” sagot agad niya.

Ayon pa kay Ara, si Patrick din ang sumagot ng gastos para sa birthday ni Mandy. “Pero nag-share din naman ako. Mas malaki nga lang yung sa kanya. Pero sa akin yung ibang mga kulang,” balita pa niya.

Natawa naman si Ara nang tanungin naming kung nagkabalikan ba sila ni Patrick. Madalas kasing makita sa kanyang Instagram account na magkasama sila sa pictures.

“Friends naman kami ni Patrick. Okay na okay kami. Masaya naman kami pareho lalo na kapag kasama namin si Mandy,” katwiran pa niya.

Hindi rin daw niya naiisip na magpaligaw ulit dahil naka-concentrate siya sa anak.

“Wala munang ganun. Kay Mandy muna ang focus ko. Malay mo next year?” pabiro niyang pahayag.

Pero gusto rin daw niyang magkaroon ng kapatid si Mandy para hindi ito lumaking mag-isa lang.

“Iba pa rin kasi siyempre kapag may kapatid si Mandy at meron siyang kalaro. Ang tanong na lang, eh, kung paano ko siya mabibigyan ng kapatid. Hahaha!” bitin niyang pahayag.