• Home
  • Fresh Scoops
  • Albert Martinez considers doing two series at the same time as the highlight of his career

Albert Martinez considers doing two series at the same time as the highlight of his career

Albert Martinez considers doing ‘Ang Probinsyano’ and ‘All of Me’ at the same time the highlight of his career.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/13/2015 6:09 AM
Albert Martinez considers doing two series at the same time as the highlight of his career


121315-ALBERT_main.jpgNagpatawag ng intimate lunch date si Albert Martinez para sa ilang entertainment press na malapit sa kanya. This is his way daw para pasalamatan ang mga ito sa suportang palaging ibinibigay sa kanya lalo na ngayong 2015.

Isa raw sa ipinagpapasalalamat niya ay ang back-to-back project niya sa ABS-CBN. Albert is playing the role of Tomas in Ang Probinsyano with Coco Martin sa primetime at si Doc Manuel naman sa All Of Me naman sa hapon with Yen Santos.

“First time nangyari sa buong buhay ko sa career ko na makagawa ako ng dalawang magandang project sa TV na lumalabas at the same time. Hindi siya madali, mahirap siya pero very challenging.

“So far, I’m enjoying it and kumbaga, siguro, sa na-experience ko, ito na yung pinaka one of the highlights of my career especially at my age of 54, parang hindi ko inimagine na mangyayari sa akin ito. And to be honest with everyone, when I turned 50, I already decided to accept much, much older roles.

“But with the blessings, I don’t know, nagkaroon tayo ng extension ng career, binigyan tayo ng ABS ng younger leading lady like we started with Bea Alonzo (Sana Bukas Pa Ang Kahapon) and to my surprise, much younger naman which is Yen naman,” dire-diretsong kuwento ni Albert sa Push.com.ph.

Aminado si Albert na at his age, kinakaya pa naman daw ng katawan niya ang araw-araw na taping at magkaibang role sa dalawang teleseryeng ginagawa niya.

“Physically, medyo mahirap talaga, pero mabait naman yung dalawang production, eh. Nagko-coordinate sila so they allowed me to have at least five hours sleep, then the travel time—galing at papunta sa taping. And ang maganda kasi, ever since naman I’ve been part of this industry, I find working not work, so hindi naglo-load sa akin ang stress when I’m at work. Actually, nakakatanggal pa ngang stress sa akin.

“Yung sleep lang talaga, yung five hours, kailangang i-maximize ko kasi kung hindi, mahihirapan talaga ako,” sey pa ni Albert.


121315-ALBERT_main.jpgEh, ano nga ba ang pakiramdam na in his 50s ay parang bumalik siya sa status ng pagiging matinee idol lalo na with a younger leading lady in All of Me?

“Siguro hindi ko matatawag na matinee idol, parang... iba talaga, eh. Hindi ko ma-imagine, kasi nga when I turned 50 I said ‘okey na tayo, puwede na tayo for more older roles.’ Kumbaga, na-reach mo na yung next level, hindi naman tayo puwedeng makipag-compete sa mga mas bata, pero binalik tayo sa ganitong sitwasyon, so now it is the challenge for me, but ang nangyari lang kasi sa akin right now is parang, it’s overwhelming sa akin, eh.

“At first, hindi ko alam kung paano ko siya iha-handle especially when I started with Bea, pero parang nag-grow sa akin yung ganung klaseng situation, so na-enjoy ko na siya,” patuloy pa niya.

Idinagdag din ng aktor na nakatulong ng malaki sa proseso ng pagmo-move-on niya sa pagpanaw ng asawang si Liezl ang araw-araw niyang taping ng mga teleserye Dos at ipinagpapasalamat daw niya ito ng malaki.

“Siguro, all of you can imagine kung gaano kahirap sa akin yon, but yung moment na nagtatrabaho ako, nabibigyan ako ng pagkakataon na matanggal sa isipan ko kung anuman yung dinadala ko,” paliwanag pa ng aktor.