Jonalyn Viray is now a freelancer

Jonalyn Viray says she wants to take her career in a different direction.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/12/2015 5:04 AM
Jonalyn Viray is now a freelancer


121115-jonalyn_main.jpgFreelancer na ang biriterang singer na si Jonalyn Viray. Ito ang inihayag ng singer sa interview sa kanya ng push.com.ph

Sampung taon nanatili si Jonalyn sa GMA Network na naka-discover sa kanya bilang grand winner ng Pinoy Pop Superstar talent search na hosted ng kanyang mentor na si Regine Velasquez.

"Nag-decide po ako na mag freelancer na lang muna sa ngayon. Malaki ang utang na loob ko sa Kapuso network at sa lahat ng naitulong nila sa akin pero sa ngayon kasi hindi po nagmi-meet ang gusto nila at ang gusto ko sana maging direction ng career ko bilang singer."

Bago mag-desisyon nagkausap si Jonalyn at ang Songbird na si Regine Velasquez na nagbigay advice sa kanya.

"Sabi po ni Ate Regine na sundin ko daw kung saan ako mag grow at kung sana ako masaya."

Sa ngayon bukas si Jonalyn sa anumang posibilidad na maka trabaho ang ibang singers sa ibang network na makaka dagdag sa kanyang experience sa pagpe-perform.

"Nakaka-excite po siguro kung makaka-duet ko sina Gary V, Martin Nievera, si Sarah Geronimo," pagtatapos ng singer.

Mainphoto credit to myxph.com