• Home
  • Fresh Scoops
  • Suspect in Cherry Pie Picache’s mother’s death sentenced to Reclusion Perpetua

Suspect in Cherry Pie Picache’s mother’s death sentenced to Reclusion Perpetua

Sa ulat ni ABS-CBN News reporter Doland Castro, hinatulan ni Judge Alfonso Ruiz ng Quezon City Regional Trial Court si Michael Flores, suspect sa pagpatay kay Zenaida Sison, ina ng aktres na si Cherry

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

12/10/2015 9:26 PM
Suspect in Cherry Pie Picache’s mother’s death sentenced to Reclusion Perpetua


121015-cherry_main.jpgSa ulat ni ABS-CBN News reporter Doland Castro, hinatulan ni Judge Alfonso Ruiz ng Quezon City Regional Trial Court si Michael Flores, suspect sa pagpatay kay Zenaida Sison, ina ng aktres na si Cherry Pie Picache ng Reclusion Perpetua o pagkakakulong na aabutin ng 40 na taon.

Kailangan rin magbayad ni Michael ng P1,245,615 sa pamilya nina Picache para sa actual damages, P50,000 naman para sa moral damages at P50,000 para sa civil indemnity. Kasalukuyang nasa Bureau of Jail Management and Penology si Michael samantalang ikinagalak naman ng pamilya nina Cherry Pie ang desisyon ng korte.

Ang pamilya Picache ay bibisita sa puntod ng yumao nilang ina upang ipagdiwang ang hustisyang nakamit nila.

Si Michael ay dating houseboy ng ina ni Cherry Pie at noong nakaraang taon ay pinasok niya ang tahanan ni Zenaida habang naka-Shabu para magnakaw ng mahahalagang ari-arian niya. Natagpuan si Zenaida na nakabulagta sa kanyang bahay sa Scout Lascano.