• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Dan Villegas reacts to competing with girlfriend Antoinette Jadaone in MMFF

EXCLUSIVE: Dan Villegas reacts to competing with girlfriend Antoinette Jadaone in MMFF

Director Dan Villegas speaks up about having competing MMFF films with his girlfriend Antoinette Jadaone.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/10/2015 9:26 PM
EXCLUSIVE: Dan Villegas reacts to competing with girlfriend Antoinette Jadaone in MMFF


121015-dan_main.jpgMagkalaban ang mga pelikula ng magkasintahang director na sina Direk Dan Villegas at Antoinette Jadaone sa Metro Manila Film Festival on December 25.

Si Dan ang director ng Jennylyn Mercado-Jericho Rosales starrer na Walang Forever. Si Antoinette naman ang nagdirek ng All You Need Is Pag-ibig na pinagbibidahan nina Kris Aquino, Derek Ramsay, Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion at ng tambalang Kim Chiu at Xian Lim.

“I don’t see it as kalaban, eh, or even competition or rival. Hindi kasi, eh. Unang-una nagtutulungan kami dito sa dalawang pelikula. Kumbaga, yung story nito, hindi lang naman ako yung gumawa, siya rin. Yung story mismo, yung concept nito kami yung gumawa.

“Tapos don sa pelikula rin niya, ganu’n din naman. Nag-uusap-usap din kami about our projects, tulungan kumbaga. Pag ganu’n, I don’t see it talaga as competition or rivalry,” paiwanag ni Direk Dan.

When asked kung wala ba siyang nararamdaman na insecurity sa girlfriend lalo pa ngayong hit na hit ang On The Wings of Love TV series nito sa ABS-CBN natatawang nag-explain ang director.

“Nagpapasalamat nga ako na hindi ako insecure na tao. Kasi kung insecure akong tao... nakaka-insecure si Tonette, di ba? Kasi parang may On The Wings siya, may pelikula, pero buti walang ganu’n.

“Thank you Lord na hindi ako... kumbaga, I’m so proud and happy that my girlfriend si very successful. So sa ganu’ng level, kumbaga let her fly,” paliwanag pa niya.

Hindi rin daw siya natatakot na baka ligawan ng iba si Direk Antoinette.

“Hindi yan no? Mahal niya ako at mahal ko siya!” very confident at natatawa niyang reaksyon.

Ayon pa sa director, mati-three years na ang relasyon nila ni Direk Antoinette. May plano na rin daw silang magpakasal.

“Napag-uusapan na rin. Pero ipun-ipon muna. Saka siyempre, hindi na rin kami bumabatang parehas, eh,” he said.

Wish din ba niyang makapagdirek sa TV tulad ng girlfriend niya?

“Okey naman. Nag-ano, eh, nag-sub ako sa kanya for a week sa OTWOL. Naka-seven days o eight days ba ako? Kasi hindi siya puwede because of the shooting (All You Need Is Pag-ibig).

“Nagkataon na pahinga kami ng three weeks dito, so ayun, nag-meeting kami. Di ba may pumasok na bagong karakter, yung kay Paulo (Avelino), so pina-template sa akin yung character ni Paulo, lahat ng flashbacks niya, so yon,” kuwento pa niya.

Inamin din ni direk sa Push.com.ph na may offer na sa kanya ang Dreamscape Entertainment ng ABS-CBN to do a TV series.

“Sobrang thankful po ako. Ngayon po nag-uusap-usap pa po. Tapos kasi may mga uunahin po unang tapusing project, so titingan ko po after nitong pelikula,” pagtatapos ni Direk Dan.