• Home
  • Fresh Scoops
  • Patricia Javier celebrates 10th wedding anniversary with husband Rob Walcher

Patricia Javier celebrates 10th wedding anniversary with husband Rob Walcher

Patricia Javier reveals her husband had to propose to her twice.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/1/2015 9:28 AM
Patricia Javier celebrates 10th wedding anniversary with husband Rob Walcher


120115-patricia_main.jpgSampung taon ng kasal sa American chiropractor na si Rob Walcher ngayong 2015 ang former sexy actress at DJ na si Patricia Javier. Walang pagsisisi si Patricia sa kanyang napili para maging mister dahil hanggang ngayon ay masaya silang mag asawa na may dalawa ng anak na parehong lalaki. Dito na sa Pilipinas naka-base ang pamilya ni Patricia at sa ating interview, binalikan ni Patricia ang kakaibang naging proposal sa kanya ni Rob.

"Dalawang beses siya nag propose sa akin. Nakakatawa nga kasi sa unang proposal niya naiwala ko ang singsing pero di ko naman sinangla yun nawala lang talaga. Sa second proposal, may hawak sing box ng singsing sa kanan tapos yung left hand niya sarado. Pinapili niya ako sa dalawa kung ano ang gusto ko, ang pinili ko yung left hand niya na naka-close."

Hindi alam ni Patricia na may signs pala na hiningi si Rob bago niya ginawa ang kanyang proposal.

"Yun pala kapag ang pinili ko yung box, sign daw yun na hindi kami para sa isa’t isa. Pero ang pinili ko yung left hand niya kung saan hawak niya na pala ang singsing."

Sa ngayon binalikan ni Patricia ang kanyang first love na pagkanta at nag-launch ng kanyang unang Christmas song. Kasama niya si Marc Nelson sa music video na kanyang ex-boyfriend at wala naman daw pagseselos mula sa kanyang mister dahil secured naman daw ito.

Dito na rin nagpa-practice ng kanyang propesyon bilang chiropractor si Rob at celebrity clients niya sina Claudine Barretto at Amy Perez. 

Si Patricia naman ay regular na napapanood sa Doble Kara sa Kapamilya Gold afternoon serye.