• Home
  • Fresh Scoops
  • Pastillas Girl Angelica Yap says this is the saddest Christmas for her family

Pastillas Girl Angelica Yap says this is the saddest Christmas for her family

Angelica becomes emotional recounting her last moments with her mom.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/2/2015 5:17 AM
Pastillas Girl Angelica Yap says this is the saddest Christmas for her family


120115-teresa_main.jpgPinuntahan natin sa NBI Office si Angelica Jane Yap aka Pastillas Girl na muling dumulog para magbigay ng dagdag pang impormasyon tungkol sa naganap na pagbaril kahapon sa kanyang ina na si Teresa Yap, na nagsisilbing kagawad sa kanilang barangay.

Hawak ni Angelica ang cellphones ng kanyang ina at sinabi na dito daw naka record ang mga messages na nakuha ng kanyang ina kasama na ang death threats na natatanggap nito.

"Nababanggit ito ng mommy sa akin kahit na noong buhay pa siya, na may mga natatanggap siyang death threats sa mga text sa kanya. May text pa nga nagsasabi na ito na daw ang huling Pasko niya. Mga ganung messages," sabi ni Angelica. 

Hindi na naiwasan na mapaiyak ni Angelica ng ikuwento ang huli niyang pakikipag-usap sa kanyang ina sa ospital bago ito binawian ng buhay.

"Nasa music video shoot ako ng sabihan na nasa ospital nga daw ang mommy ko at nabaril. Brain dead na siya ng dumating ako, pero may heart beat pa siya. Sinabi ko na mahal na mahal ko siya at nag-thank you ako sa lahat-lahat ng naibigay niya sa amin," naluluhang sabi pa ni Pastillas Girl. 

Sa paparating na Pasko, hindi matanggap ni Angelica na hindi na nila makakasama ang kanyang mommy. 

"Ito na siguro ang pinaka malungkot na pasko kasi di na namin kasama si Mommy, pero kailangan namin i-celebate ang Pasko dahil kaarawan ito ng Diyos, pero ang hirap po sa ngayon hindi namin alam kung ano ang gagawin namin."

Sa Linggo naka-schedule ilibing ang ina ni Angelica at humihingi ng prayers ang pamilya sa mabilis na paglutas sa kaso nito.