Family of Teresa Yap seeks justice for her murder

Ms. Pastillas Angelica Yap says she inherited her strength from her mother.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/1/2015 8:26 AM
Family of Teresa Yap seeks justice for her murder


120115-pastilla_main.jpgUnang nakilala si Teresa Yap sa noontime show na It’s Showtime kung saan ipinagtanggol niya ang kanyang anak na si Angelica Jane Yap, na nakilala bilang “Pastillas Girl.”

Nakiusap ang emosyonal na si Teresa na kilalanin muna ng mga tao ang kanyang anak bago nila ito husgahan.

"Sana, nakikiusap ako, kilalanin muna nila ako. Wag muna nila i-judge 'yung anak ko. Hindi naman nila kilala yung anak ko. Pinalaki ko ng maayos ang anak ko.

“Ayoko naman na kung sinu-sinong tao lang ang lalait sa anak ko, maninira sa anak ko."

Hangad diumano ni Teresa ang kasiyahan ng kanyang anak. "Masaya ako para sa anak kasi gusto ko rin namang maging masaya 'yung anak ko, na totoong makatagpo ng magmamahal sa kanya."

Mukhang nagkatotoo naman ang hiling ni Teresa dahil nakilala ni Angelica sa naturang show si Richard Parojinog o mas kilala bilang “Mr. Pastillas.”

Pero hindi pala magiging lubos ang kasiyahan ni Angelica dahil noong Linggo ng gabi, November 29, pinatay si Teresa ng hindi pa kilalang suspect. May witness na nakapagsabi na may hinahanap na drugs ang pumatay bago nito binaril sa likuran ng kanyang ulo si Teresa.

Sumugod agad si Angelica sa hospital kung saan dinala si Teresa. Nagawa pang kausapin ni Angelica si Teresa bago ito mag-break down dahil tuluyan nang namatay ang kanyang ina.

Patuloy sa paghingi ng hustisya ang mga kapamilya ni Teresa at kuwento nila, nakatanggap ng death threats si Teresa bago pa siya pinatay. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin malinaw kung ano ang motibo sa pagpaslang kay Teresa. 

Ayon sa nanay ni Teresa na si Corazon, “Kung sino ka man sumalbahe sa anak ko, sumuko ka na. Makonsensya ka sa ginawa mo sa anak ko… Ang bait na tao yan, maraming natutulungan yung tao. Kawawa yung mga anak.''

Sa interview naman ng ABS-CBN News sinabi ni Pastillas girl na, “sa kanya ko namana 'yung pagiging matapang. Iyakin siya pero talagang pure heart ang meron ang mommy ko. Wala akong masasabi."