• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Janella Salvador downplays acting comparisons to Julia Barretto

EXCLUSIVE: Janella Salvador downplays acting comparisons to Julia Barretto

Janella Salvador on being compared to Julia Barretto in their MMK episode: ‘I just give my best in that episode.’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/2/2015 5:17 AM
EXCLUSIVE: Janella Salvador downplays acting comparisons to Julia Barretto


120115-janella_main.jpgSafe si Janella Salvador sa bago niyang ka-love team sa ABS-CBN na si Elmo Magalona dahil may girlfriend na ito—si Janine Gutierrez.

But what about Jerome Ponce and Marlo Mortel na partner niya sa Haunted Mansion? Puwede na ba siyang ligawan ng dalawa?

“Naku, bawal pa po. Let’s ask my mom,” pagtanggi agad niya.

Meron ba siyang attraction na nararamdaman kay Jerome at Marlo?

“Comfortable ako na kasama ko sila and we’re friends,” sagot pa niya.

“Same time kami nag-start ni Jerome, very same yung background namin sa pag-start sa showbiz  so we can relate to each other,” dagdag pa niya.

Lagi din daw silang nagkukumustahan kahit nung magkahiwalay na sila ng TV show—Janella sa Oh My G at si Jerome naman sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.

Eh, how about Marlo?

“Kami naman ni Marlo, together kami sa Oh My G. Ang dami-dami na naming pinagsamahan nito. Si Marlo, parang comfort zone ko rin. Very close kaming dalawa,” deklara niya.

Handa na ba siyang makipag-kissing scene when she turns 18 next year?

“Holding hands lang po ang puwede. Yung holding hands okey naman po. Pero yung kissing, hindi pa,” pahayag niya.

Pero handa rin ba siyang gawin ito in the future?

“Ready naman ako sa right time, depende sa roles na ibibigay sa akin at sa imaging ko by that time. Siyempre, ibabagay ko rin sa career path na gusto ko.

“Wala naman pong definite age. When it comes and it feels like the right time na, willing naman po ako,” katwiran niya.


120115-janella_main.jpgHindi naiwasang magkaroon ng comparison between her and Julia Barretto nang magbida sila sa MMK kamakailan. Mas magaling daw siya kay Julia. Ano’ng reaksyon niya dito?

“Ako naman po, hindi ko ino-observe yung... di ko naman tinataas yung sarili ko, pero I just give my best in that episode. And siya rin naman, nakitaan ko, she really give her best. She was so tired, pero nag-taping pa rin siya,” sagot niya sa isyu.

Nagpapasalamat naman daw siya sa mga taong naka-appreciate ng acting niya.

“Siyempre, thankful naman ako sa mga naka-appreciate sa akin. Salamat po,” sey pa niya.

Nang tanungin naming si Janella kung kanino siya mapupunta sa ending ng Haunted Mansion ay natawa lang siya.

“Panoorin na lang po nila. Hahaha!”

Maging ang direketor ng pelikulana si Jun Lana ay ayaw ding sagutin kung sino ang magiging partner ni Janella sa ending ng pelikula na palabas na sa Dec. 25 in time for the Metro Manila Film Festival.