• Home
  • Fresh Scoops
  • Andi Eigenmann earns praise for her role in ‘Angela Markado’

Andi Eigenmann earns praise for her role in ‘Angela Markado’

Andi Eigenmann is happy about the positive feedback on her acting in ‘Angela Markado’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/2/2015 5:17 AM
Andi Eigenmann earns praise for her role in ‘Angela Markado’


120115-andi_main.jpgNaganap noong November 30 sa Megamall Cinema 10 ang red carpet premiere ng pelikulang Angela Markado na pinagbibidahan ni Andi Eigenmann. All red at sexy ang gown na suot ni Andi ng maglakad sa red carpet papasok ng sinehan.

"Kinakabahan po ako ngayon lang ako nakagawa ng ganitong tema ng pelikula and sana magustuhan mg mga manonood."

Bukod sa cast ng pelikula, present ang ina ni Andi na si Jaclyn Jose at ang kanyang kapatid na si Gabby Eigenmann para magbigay suporta sa kanya.

Matapos ang screening, marami ang nag-comment na pang best actress daw ang kalibre ng acting na ipinakita ni Andi bilang Angela Markado.

"Naku nakakatuwa naman po kung ganun ang comment nila. Sana nga sana nga nakakakaba talaga."

Unang ginawa ang pelikulang Angela Markado bida ang award winning actress na si Hilda Koronel sa ilalim ng direksyon ng National Artist na si Lino Brocka. At sa bagong version nito ay binigyang direction naman ni Carlo J. Caparas.