• Home
  • Fresh Scoops
  • Liz Uy to sue Fashion Pulis’ Michael Sy Lim for libel and slander

Liz Uy to sue Fashion Pulis’ Michael Sy Lim for libel and slander

Liz Uy’s lawyer confirms that she’s going to take legal action against Michael Sy Lim of ‘Fashion Pulis’

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

11/10/2015 5:10 AM
Liz Uy to sue Fashion Pulis’ Michael Sy Lim for libel and slander


110915-liz_up.jpgKinumpirma ni Atty. Irene Besido-Garcia ng Kapunan Garcia & Castillo Law Offices sa press na balak maghain ng 6 libel cases at isang slander case ng kanilang client na si Liz Uy laban sa Fashion Pulis blogger na si Michael Sy Lim. Ito ay kaugnay sa dalawang na publish na post sa website tungkol sa stylist na si Liz; isa rito ay ang kontrobersyal na gown ni Maine Mendoza aka Yaya Dub sa concert ng Eat Bulaga noong October 24 sa Philippine Arena.

Noong October 29, nag post ang FashionPulis.com at sinabing, "Stylist Makes Maine Mendoza Wear Recycled Gown on Historical TV Event” at saka pinagdikit ang picture ni Maine at ni Kim Chiu na suot ang parehong gown na dinisenyo ni Francis Libiran.

Nauna na itong ipinaliwanag ng designer at sinabing si Kim lamang ang nag model ng gown noong 2013 at kailanman ay hindi pa nagamit ang gown ng kahit sino sa kahit saang okasyon. Sinabi rin ni Liz sa isang official statement na “The gown, which was first showcased at Francis Libiran’s fashion show as part of his Bangalore collection, was purchased by TAPE, Inc. for the event.”


Napuna naman ng FashionPulis.com na parehas ang jacket na suot ni Maine sa isang photo shoot sa jacket na suot ni Liz sa isa sa kanyang photos. Nag caption ito ng "Insta Scoop: Liz Uy Makes Maine Mendoza Wear Same Jacket She Wore Weeks Ago in Preview Photoshoot."


Nilinaw ng Preview Magazine na ang kapatid ni Liz na si Vince Uy ang stylist ni Maine sa photo shoot at siya ang pumili ng jacket mula pa mismo sa 2016 Cruise Collection ng Gucci. Sinabi rin sa StyleBible.ph na dahil sa confidentiality rule ng Preview tuwing photo shoot, “Liz could not have known that Maine had worn the same piece in one of the six layouts she had for the shoot."

Main photo credit: @lizzzuy on Instagram