Ahron Villena defends Kakai Bautista from bashers

Ahron and Kakai also shared they have already met each other's parents.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/10/2015 5:09 AM
Ahron Villena defends Kakai Bautista from bashers


110915-kakai_up.jpgDumadami ang followers sa social media nina Kakai Bautista at Ahron Villena. Hindi man nila diretsahan na sinasabi na may relasyon na sila, madalas silang nakikita na magkasama sa showbiz events, trabaho at pati na rin sa kanilang pribadong ginagawa.

Nakausap ng Push.com.ph ang dalawa at nagkuwento kung paano ba sila naging malapit sa isa't isa.

Kuwento ni Ahron, sa isang personal appearance nila sa Japan sila naging close.

"Trabaho yun nagkasabay kami sa Japan pareho kami invited isa isang event doon and doon namin na discover na marami kami things in common at magkasundo kami sa maraming bagay," sabi ng aktor.

Single sila pareho at pabirong sinabi ni Kakai na mayroon na silang kasunduan ni Ahron.

"Malay mo dumating kami sa edad na 40 at pareho pa rin kami single, eh di subukan natin kami na lang," natatawang sabi ng singer.

Kung marami ang kinikilig marami rin ang mistulang ampalaya na bitter at nagko-comment ng negative sa pagiging close ng dalawa. Si Kakai aminado na noong una ay affected siya sa bashers. Pero si Ahron, ipinagtanggol si Kakai.

"Naku kung alam lang nila kung gaano kaganda ang puso at kalooban ni Kakai napakabuti niyang tao," sabi ni Ahron.

Ipinakilala na nila ang bawat isa sa kanilang mga magulang at wala naman daw naging issue lalo na kay Kakai

"Ibinilin pa nga siya sa akin ng pamilya niya na alagaan ko daw ito," sabi ni Kakai sabay tingin kay Ahron.