Sarah Geronimo is not interested in playing Darna

Sarah Geronimo speaks up on breakup rumors with Matteo Guidicelli.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/8/2015 3:35 AM
Sarah Geronimo is not interested in playing Darna


110715-sarahgeronimo_PUSH.jpgWalang ginagawang pelikula ngayon si Sarah Geronimo kaya tinanong siya ng entertainment press sa presscon ng concert niyang From The Top kung kailan ulit siya gagawa ng pelikula.

“Gusto n’yo pa po ba akong magpelikula?” balik-tanong ni Sarah sa press.

“Kung meron pong magandang proyekto at dumating yung pagkakataon na decided na talaga akong maging actress, kasi di ba, parang for a long time, marami po akong restrictions. Pero once dumating yung panahon na buong-buo na yung loob ko na gusto ko talagang maging artista at maganda yung proyekto, go!” paliwanag ni Sarah.

Dumating din daw sa point na pinag-iisipang mabuti ni Sarah if she really wants to be an actress.

“Kasi kung gusto kong maging aktres, kailangang maging fully committed ako, di ba po? Kung ano ang hinihingi ng istorya,” sabi pa niya.

“Siguro, kailangan lang ng tamang panahon para maging maayos ang lahat,” hirit ulit niya.

Dahil naghahanap ng bagong Darna ang ABS-CBN, natanong na rin namin si Sarah kung interesado ba siya sa role.

“Sorry ha, wala kasi akong sexy body, eh. Ako, personally, parang hindi. Parang hindi para sa akin ‘yun,” natatawa niyang reaksyon.

Eh, ano ba ang takot niya sa pagpo-portray bilang Darna?

“Hindi ako magtu-two piece. Never akong magtu-two piece,” napapailing pero natatawa niyang sagot.

“At saka, kailangan physically strong ka, ‘di ba? Saka, maraming demands ‘yun, eh. ‘Yung pagiging Darna.”
110715-sarahgeronimo_PUSH.jpgIbig bang sabihin, hindi niya type maging Darna?

“Hindi po. Hindi ko kaya. Hindi para sa akin ‘yun,” rason niya.

Regarding her love life, natanong din si Sarah kung kumusta na sila ng kasintahang si Matteo Guidicelli.

“Okay naman po kami. Happy naman kami,” short answer niya.

Sa sumunod na tanong kung totoong nagkakalabuan sila ng boyfriend at ang dahilan nito ay si Shaina Magdayao, nagbigay din ng maikling reaksyon si Sarah.

“Puwede po bang huwag na nating pag-usapan?” pakiusap niya.

Eh, ano ang reaksyon niya sa sabi ni Matteo na siya na ang gustong pakasalan nito?

“Siyempre, darating at darating ‘yun. Ako po, 27 na, malapit na akong mag-30, marrying age na nga po ako, eh. Pero alam ko rin po sa sarili ko na marami pa akong kailangang ayusin sa sarili ko. So, malayo-layo pa.”

Nang tanungin kung napapag-usapan na ba nila ang kasal, ang sey ni Sarah, “Hindi, wala naman pong seryosong pag-uusap.”

Manonood ba siya ng concert ni Matteo na MG1 sa Music Museum? Ang sagot lang niya ay busy raw sila pareho and as much as possible, hinihiwalay nila ang trabaho sa isa’t isa.

May gusto pa sanang itanong ang press tungkol kay Matteo, pero nakiusap na si Sarah. “Okay lang po ba, last question na ‘yan about Mat?” sambit pa niya.

Gaganapin ang From The Top sa Araneta Coliseum sa Dec. 4 and 5.